• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US tennis player Sofia Kenin, hinirang bilang WTA Player of the Year

Hinirang bilang Women’s Tennis Association (WTA) Player of the Year si Sofia Kenin ng US.

 

Ito ay matapos na makuha ang Grand Slam singles title sa Australian Open.

 

Tinalo kasi ni Kenin si World Number 1 Ashleigh Barty sa semi-finals at si two-time Grand Slam champion Garbine Muguruza sa finals.

 

Umabot rin siya sa finals ng French Open at nagtapos sa pang-apat sa world ranking.

 

Ang 22-anyos na si Kenin ay siyang pang-walong American na nakakuha ng WTA Player of the Year na ito ay kinabibilangan nina Serena Williams, Martina Navratilova, Lindsay Davenport, Tracy Austin, Chris Evert, Venus Williams at Jennifer Capriati.

Other News
  • DILG, pananagutin ang mga alkalde at brgy chairman na malulusutan ng COVID-19 quarantine violations

    PANANAGUTIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde at barangay chairman kapag may nangyaring COVID-19 quarantine violations sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.   Sa Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kamakailan lamang ay marami na siyang nakitang quarantine violations na itinuturong […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, kinilala bilang Top Government Employer ng Pag-IBIG Fund

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando bilang isa sa ‘Top Government Employer’ sa buong Hilagang Luzon sa ginanap na 1st Virtual Stakeholders Accomplishment Report (StAR) Awards sa pamamagitan ng isang online convention noong Biyernes, Nobyembre 27, 2020.   Itinampok sa online event ang kontribusyon […]

  • TOLL ROAD INTER-OPERABILITY MALABONG MAIPATUPAD NGAYONG TAON

    Pero ang mandatory cashless transaction sa tollways tuloy kahit wala pang interoperability.   Ito ang pahayag ng DOTr at ni Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales – na malabong magkaroon ng interoperability ngayong taon at baka sa 2021 pa raw. Ibig sabihin kapag ang sticker mo ay AUTOSWEEP RFID lang – pwede ito sa Skyway, SLEX, […]