7-milyong deactivated na botante, hinimok ng PPCRV na muling magpadala sa voters registration ng COMELEC
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botanteng hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan, lumipat ng tirahan, nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa na muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng Commission on Elections.
Ito ang panawagan ni PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra sa may 7-milyong botante na dineactivate o inalis ng COMELEC sa listahan ng mga botante sa bansa.
Ayon kay Buenaobra, napakahalaga ng partisipasyon ng bawat Filipino sa nakatakdang halalan sa susunod na taong 2022 National and Local Election kung saan kabilang sa mga dapat ihalal ay ang magiging bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa na magsisilbi sa loob ng susunod na anim na taon.
“Nananawagan po tayo na ang ating mga kababayan na na-deactivate na po, magrehistro po kayo kasi high stakes election po ang 2022 National and Local Elections po ito at kailangan po kayong, kailangan po ninyong gamitin ang karapatan ninyo para bumoto.” pahayag ni Buenaobra sa Radio Veritas. Ibinahagi naman ni Buenaobra ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng PPCRV sa iba’t ibang diyosesis sa bansa upang maging katuwang sa pananawagan at kampanya na himukin ang mga kabataan, mga umuwing OFW at mga na-deactivate na mga botante upang muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng COMELEC.
Paliwanag ni Buenaobra, mahalagang makabahagi ang bawat mamamayan sa nakatakdang halalan na kabilang sa karapatan at tungkulin ng bawat isa sa isang demokratikong bansa.
“Magkakaroon po tayo ng pakikipag-usap sa mga dioceses para sana po ay sumama po sila sa ganitong kampanya na himukin ang mga kabataan at yung mga deactivated, OFWs at yung mga nandito sa Pilipinas na mag-activate po uli sila para makasama uli sila sa tala, sa statistics ng mga botante.”
Dagdag pa ni Buenaobra. Tiwala naman ang PPCRV na maaabot ng COMELEC ang target nitong magkapagpatala ng 60-milyon o higit pang mga rehistradong botante na maaaring makibahagi sa nakatakdang halalan sa 2022. Ibinahagi ng kumisyon na umaabot na sa 59-na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante sa bansa.
Batay sa opisyal na tala ng COMELEC noong 2019 elections , may 61.8-milyon ang bilang ng mga botante sa bansa ngunit kinailangang i-deactivate ng kumisyon ang mahigit sa 7-milyong botante dahil na rin sa pagkabigo na bomoto sa dalawang magkasunod na halalan.
-
2 U-turn slots sa EDSA muling binuksan
Muling binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang (2) U-turn slots sa EDSA sa Quezon City matapos na udyokan ng mga lawmakers at ng pamahalaang lungsod ng Quezon City. Ang nasabing U-turn slots ay ang nasa tapat ng Quezon City Academy at ang malapit sa Darrio Bridge sa Balintawak upang magamit ng […]
-
Registered owner rule hindi pwede gamitin na basehan para ipataw sa registered owner ang multa ng NCAP traffic violation kung iba ang driver
SA ISANG news item nagulat ako sa pahayag ng isang taga- QC Hall na ang basehan daw kung bakit ang registered owner ang liable sa no-contact apprehension ay ang Registered Owner Rule. With due respect po ang registered owner rule ay ginagamit para habulin ang registered-owner kapag may aksidente HINDI PAG TRAFFIC VIOLATION. […]
-
Bulacan PESO, inilunsad ang Virtual Career Expo 2020
LUNGSOD NG MALOLOS– Upang magbigay ng online job advertisement platform sa mga Bulakenyong naghahanap ng trabaho, inilunsad kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO) sa pakikipagtulungan ng Jobs180.com ang Virtual Career Expo 2020 noong Oktubre 23, 2020. Handog ng career expo na may […]