Bulacan PESO, inilunsad ang Virtual Career Expo 2020
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Upang magbigay ng online job advertisement platform sa mga Bulakenyong naghahanap ng trabaho, inilunsad kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO) sa pakikipagtulungan ng Jobs180.com ang Virtual Career Expo 2020 noong Oktubre 23, 2020.
Handog ng career expo na may temang “TRABAHO. NEGOSYO. KABUHAYAN: Trabaho para sa Bulakenyo, Hatid ng Provincial PESO” ang higit isang libong trabaho mula sa 100 kumpanya at tatakbo ito hanggang sa katapusan ng taong ito.
Inanyayahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang lahat ng mga Bulakenyo na patuloy na makiisa sa napapanahong programa na ito at sunggaban ang oportunidad na makapag-aplay ng trabaho habang ligtas at malusog na nananatili sa tahanan.
“Pangako ko na maialay ang bunga ng kaunlaran sa hapag ng bawat Bulakenyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oportunidad sa trabaho, negosyo, at kabuhayan para sa ating mamamayang Bulakenyo. Hindi po kayang tuldukan ng COVID-19 ang ating pangarap na ito. Tayo ay magpapanibagong lakas at inspirasyon upang harapin ang mga hamon ng ating panahon,” anang gobernador.
Binanggit rin niya na ang buong proseso ng empleyo mula pre- employment orientation hanggang sa pagpapasa ng Resumé at interbyu ay isasagawa nang birtwal.
Upang makasali, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Provincial PESO Bulacan sa https://www.facebook.com/ provincialpesojobfair, para sa registration link, o puntahan ang https://school.jobs180.com/pyspeso.
Maaari nang magsimulang gumawa ng kanilang ResumeLink ang mga interesadong aplikante upang opisyal na maghanap ng bakanteng trabaho.
Gayundin, nagsagawa ang PYSPESO ng Pre-Employment Orientation (PEO) Webinar noong Oktubre 23, 2020 bilang bahagi ng opisyal na paglulunsad ng Virtual Career Expo na may paksang Effective Resume Writing Tips, Interview in the New Normal, Job Hunting, at Employer-Employee Engagement.
Para sa ikalawang sesyon ng PEO Webinars na may tatlong bahagi, tinalakay ang mga paksang After Graduation Checklist, Developing your Communication Skills, Gender Equality in the Workplace, at Motivation and Productivity na ginanap noong Oktubre 29, 2020
Para sa mga hindi nakadalo sa mga nakalipas na webinar, mayroon pang paparating na PEO Webinar sa Nobyembre 5, 2020, 2:00 ng hapon sa Facebook live na pag-uusapan ang Top Skills Companies are Looking for, Managing your Budget and Finances, Expectations in the New Normal, at Work Opportunities in Bulacan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO
FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang Facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte […]
-
Imbestigasyon sa mga hindi nagamit na malapit ng mag-expire na COVID-19 vaccines, nagpapatuloy –Nograles
PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units na malapit ng mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na isinagawang vaccination drive Bayanihan, Bakunahan. “We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming [we still don’t have a] […]
-
Ads May 14, 2021