7 patay, 120 nasagip sa pagkasunog na barko malapit sa Quezon
- Published on May 24, 2022
- by @peoplesbalita
NASAWI ang pito kataong lulan ng barkong MV Mercraft 2 malapit sa Baluti Island, Barangay Cawayan sa Real, Quezon ngayong Lunes.
Bandang 6:30 a.m. nang magpadala ng distress call ang naturang sasakyang pandagat mula Pilollo patungong Real, Quezon nang magkaroon ng sunog. Sinasabing nagmula ito sa engine room.
Aabot sa 134 katao ang sakay na crew at pasahero ng barko nang mangyari ang insidente. Sakay ng RoRo na Mercraft 2 ang 124 pasahero ngunit patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung pawang mga pasahero ang mga ito.
patay (7)
kritikal (3)
nailigtas (120)
unaccounted (4)
Lima sa mga binawian ng buhay ay mga babae habang mga lalaki naman ang dalawa pang namatay.
“Naganap ang insidente nang makarating ang barko 1,000 yarda mula Port of Real,” wika ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang paskil sa Facebook kanina.
“Naihatid na sa pinakamalapit na ospital ang anim na pasaherong nangangailangan ng tulong medikal.”
Kasalukuyan pa ring inaapula ang apoy habang nagkakasa ng search and rescue operations ang mga otoridad hanggang sa ngayon.
Naka-tow naman sa pinakamalapit na pampang ng Baluti Island ang naturang vessel, ayon sa pinakahuling ulat ng PCG.
Rumesponde naman na ang apat na MBCA, dalawang RORO vessels at tatlong Coast Guard search and rescue teams sa pinangyarihan ng insidente. (Gene Adsuara)
-
PGH Director Dr. Gap Legaspi pinakaunang tinurukan ng Sinovac vaccine sa Pinas
Nagsimula nang gumulong ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan kung saan pinakaunang tinurukan ng bakuna sa Pilipinas kontra sa respiratory disease na ito ay si Philippine General Hospital Director Gap Legaspi. Dakong alas-9:00 nitong umaga nang magsimula ang ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination plan ng pamahalaan gamit ang dumating kahapon na CoronaVac shots, […]
-
Barbers sa mataas na rating ni Speaker Romualdez: ‘Nakaka-proud’
Ang mataas na trust at satisfaction rating na nakuha ni Speaker Martin Romualdez sa survey ng Octa Research ay magsisilbi umanong inspirasyon ng Kamara upang mas magsumikap para matapos ang legislative agenda ng administrasyong Marcos. Ito ang sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na nagsabi […]
-
Lugar sa buong bansa na nasa ilalim ng Alert level 3, nag- iisa- -IATF
SINABI ni IATF at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na may isa na lamang na lugar sa Pilipinas ang nasa ilalim ng Alert level 3. Ito’y sa gitna ng papaganda ng sitwasyon ng COVID 19 sa bansa. Ani Nograles, ang lalawigan na lamang ng Apayao ang kaisa- isa at tanging lugar sa bansa […]