• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 pinay na biktima ng human trafficking, nasabat ng immigration

PINIGIL ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino Intrnational Airport (NAIA) ang pito na mga babaeng Pinay na makalabas ng bansa patungong United Arab Emirates dahil sa hinalang mga biktima sila ng human trafficking.

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s travel control and enforcement unit (TCEU) na nasabat ang mga babaeng Pinay noong Septemeber 17 sa immigration departure area sa NAIA Terminal 1 habang ang mga ito ay papasakay na sa Philippine Airlines (PAL) biyeheng Dubai.

 

Tatlo sa kanila ay kinuha na magtrabahi bilang mga caregivers sa Emirate habang ang apat ay ni-recruit na magtrabaho blang mga market- ing at sales agents sa iang interior design company.

 

Ayon kay BI-TCEU Chief Ma. Timotea Barizo na ang mga babaeng Pinay ay nagtangkang umalis ng Pilipinas na nagpanggap na mga first time na mga overseas Filipino workers pero nasuri sa kanilang mga dokumento na kahina-hinala.

 

“Verification made on the overseas employment certificates (OECs) they presented revealed that some of them are not in the records of the Philippine Overseas Employment Administrtion (POEA), while the others appear to have been issued to other persons,” ayon kay Barizo.

 

Lumalabas na ang kanilang UAE visas ay mga tourist visa sa Dubai at hindi upang magtrabaho.

 

Hindi muna pinangalanan ang nasabing mga babaeng Pinay at i- turnover sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa assistance at maibestigahan.

 

Dahil dito, muling nagpaalala si Morente na mga gustong magtrabaho s aiabng bansa na huwag makipag-transaksiyon sa mga illegal recruiters.

 

“We were told that these intercepted victims all said that they met their handlers and recruiters via social media and that their travel papers were only handed to them a few days before their scheduled flights,” Morente noted. “They did not know that these fraudulent papers could result in interception by our officers.”

 

“These traffickers are taking advantage of our kababayan who need jobs during the pandemic,” ayon kay Morente. (Gene Adsuara)

Other News
  • Bumalik sa track ang Creamline, pinabagsak ang Troopers UAI-Army

    Pinasigla ng Creamline ang opensa nito sa kahabaan upang talunin ang UAI-Army, 25-12, 25-18, 23-25, 25-23, at muling buuin ang ilang uri ng momentum para sa grand slam drive nito sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado.   Nakabawi ang Cool Smashers mula sa maagang eight-point (2-10) deficit sa fourth […]

  • Malakanyang, niresbakan ang patutsada ng isang numero unong kritiko ni PDu30

    BINUWELTAHAN ng Malakanyang ang malisyosong puna ng numero unong kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang sandaling puntahan ng huli ang isang mall, araw ng Sabado.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-sidetrip lang ang Pangulo sa isang mall kasama si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go matapos na maghain ng kanyang Certificate of […]

  • SHARON, nagpaliwanag kung bakit kailangang i-post ang pagsakay sa private plane at chopper para dalawin si FRANKIE

    PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang video habang nasa private plane sila papuntang New York para sa bisitahin ang kanyang daughter na si Frankie Pangalinan.     Caption niya, “On my way to New York this morning to surprise KAKIE!!!   “Doc Noel’s birthday celebration continues in New York, and praise God for Noel because […]