7 sasakyan karambola sa NLEX
- Published on February 18, 2020
- by @peoplesbalita
Nagkabanggaan ang pitong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Linggo ng hapon. Nangyari ang banggaan sa Southbound lane patungong Metro Manila sa Mexico, Pampangan section ng NLEX.
Ayon kay NLEX traffic manager Robin Ignacio, nangyari umano ang karambola matapos na prumeno ang isang motorista dahilan para magkabangaan ang nakasunod dito.
Isang bus ang nadawit sa insidente, na naging dahilan ng kilometrong trapiko sa nasabing parte ng NLEX.
Makikitang yupi ang isang sasakyan na pumatong pa sa isang kotse dahil sa lakas ng impact.
Hindi pa batid kung ilan ang sugatan sa nasabing insidente. (Daris Jose)
-
PBBM, tinurn over ang Balanga housing units sa 216 relocated families
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-turn over ng housing units sa 216 informal settler families sa Balanga, Bataan na naapektuhan ng cleanup at relocation operations sa hazard-prone areas. Ang relocated settlers ay nakatira noon sa kahabaan ng Talisay River. Ang Balanga City Low-Rise Housing Project ng National Housing Authority (NHA), matatagpuan sa […]
-
P9.8 milyong droga naharang sa NAIA
NAHARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang limang papasok na parcel na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga, na misdeclared bilang meryenda, bote, damit, regalo at sleeping bag nitong Biyernes, sa Central Mail Exchange Center sa […]
-
Ex-Pres. Duterte, personal na dumalaw sa burol ng mga nasawi sa Batangas landslide
PERSONAL na nagtungo sa Talisay, Batangas si dating Pangulong Rody Duterte. Dito ay nakiramay siya sa mga pamilya ng mga biktima ng bagyong Kristine na namatay mula sa landslide noong Oktubre 24, 2024 sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas. Kasama niya ang pangkat mula sa Office of the Vice President’s Special Projects […]