7 sasakyan karambola sa NLEX
- Published on February 18, 2020
- by @peoplesbalita
Nagkabanggaan ang pitong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Linggo ng hapon. Nangyari ang banggaan sa Southbound lane patungong Metro Manila sa Mexico, Pampangan section ng NLEX.
Ayon kay NLEX traffic manager Robin Ignacio, nangyari umano ang karambola matapos na prumeno ang isang motorista dahilan para magkabangaan ang nakasunod dito.
Isang bus ang nadawit sa insidente, na naging dahilan ng kilometrong trapiko sa nasabing parte ng NLEX.
Makikitang yupi ang isang sasakyan na pumatong pa sa isang kotse dahil sa lakas ng impact.
Hindi pa batid kung ilan ang sugatan sa nasabing insidente. (Daris Jose)
-
Pag-angkat ng sibuyas, aprub na – DA
TULOY na ang pag-aangkat ng Pilipinas ng sibuyas. Ito ang sinabi ni Agriculture spokesman Rex Estoperez makaraang aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang importasyon ng 21,060 metrikong tonelada ng sibuyas. Sinabi ni Estoperez na nilagdaan na ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang importasyon ng fresh yellow and red onion. […]
-
Ads February 25, 2022
-
Panelo, sinopla si Sotto; Estratehiya ng administrasyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, binago na
BINAGO na ng Duterte administration ang estratehiya nito sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang tugon sa naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa gobyerno na maghanap ng ibang paraan para labanan ang Covid-19 at huwag lamang umasa sa bakuna. […]