70 milyong COVID-19 doses, naiturok na ng Pilipinas- Galvez
- Published on November 20, 2021
- by @peoplesbalita
IBINALITA ng gobyerno na may 31,868,120 Filipino ang ganap na nabakunahan, bahagi ng kabuuang 70,677,771 vaccine doses na naiturok “as of Monday.”
Dahil dito, sinabi ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na kumpiyansa ang pamahalaan na 54 milyong Filipino ang makatatanggap ng one dose bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
“With our current pace and the eagerness of all sectors of society to hit and sustain a daily jab rate of 1.5 million, we are confident that by the end of November, half of our target population will be fully vaccinated,” ayon kay Galvez.
Idinagdag pa nito na ang COVID-19 supply inventory ay umabot na sa 124,914,000, kung saan mas maraming doses ang inaasahan na ide-deliver sa bansa sa mga darating na araw.
“More than 16 million doses are still expected to arrive this November, which means that by the end of this month, we would be receiving 140 million doses since February. These will be crucial as we carry out a more aggressive vaccination rollout nationwide,” ani Galvez.
“The best Christmas gift that we can give to ourselves, our families, our friends and co-workers, and everyone in the community is to have ourselves vaccinated. Get the COVID 19 jab now so we can have a better and safer Christmas,” dagdag na pahayag ni Galvez.
Samantala, hinikayat naman ni Galvez ang publiko na suportahan ang nalalapit na 3-day national vaccination drive, na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan National Vaccination Days” mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Ang nasabing event — sama-samang pagsisikap ng national government, local government units at pribadong sektor ay naglalayon na bumuo at panatilihin ang layunin ng bansa na makapagbakuna ng1.5 milyong doses kada araw. (Daris Jose)
-
P7 MILYONG SHABU GALING LONDON , ISINILID SA ISANG STUFFED TOYS, NASAMSAM
MAHIGIT P7 milyon halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang package na idineklara na mga “stuffed toys” ang nasamsam matapos na naaresto ang isang babae na tumanggap nito sa Bacoor City, Cavite Martes ng hapon. Kinilala ang naaresto na si Noelle Denise Azul, 29, dalaga habang pinaghahanap ang kaibigan nito na si […]
-
Carlo Paalam’s Olympic win,ipinagbunyi ng mga taga- CdeO
Ipinagbunyi mismo ni City Mayor Oscar Moreno ang panibagong panalo ng kanyang alaga na noo’y paslit pa lamang at kasalukuyan ng Olympian boxer Carlo Paalam. Ito ay matapos nasaksihan ng alkalde kung gaano kalaki ang pag-unlad ni Carlo sa larangan ng boksing ang kabilang sa mga atletang Pinoy na patuloy nakikipag-sapalaran sa Tokyo […]
-
Kasama ang girlfriend na si CHELSEA at pet dog nila: BENJAMIN, mabibisita na ang ina sa Guam at doon na rin magbi-birthday
BAKASYON grande si Kapuso hunk Benjamin Alves bago sumapit ang kanyang birthday sa March 31. Sa Guam niya i-celebrate ang kanyang birthday dahil two years niyang hindi nakita ang kanyang ina at nabisita ang puntod ng kanyang ama. “Thank God that ‘Artikulo 247’ is airing and we’re getting good feedback from […]