P1 milyon swak sa PAGCOR Bingo
- Published on February 15, 2020
- by @peoplesbalita
LIMPAK ang cash prizes sa mga tumatangkilik sa bingo sa ikalawang pagdaraos ng “P1K for P1M” PAGCOR-wide linked bingo game sa darating na Pebrero 22, sa Casino Filipino Manila Bay sa Rizal Park Hotel, Ermita, Maynila.
Matapos ang matagumpay na unang yugto ng programa nitong Enero 25, magbabalik ang pinakahihintay na laro ng sambayanan upang muling magbigay ng kasiyahan at katuparan ng pangarap. Sa halagang P1,000, may apat na ticket cards para sa 10 games ang kalahok na magagamit sa laro.
Pagkalipas nang matagumpay na unang pagsasadawa nitong Enero 25, magkakatsansang muli ang mga bingo player para maiuwi ang premyo ng Game 10 sa halagang P1,000. Bawat ticket ay may kapalit na apat na cards per game para sa 10 games.
Halangang P100,000 cash prize ang nakataya para sa Games 1 to 9 na magsisimula alas-dos nang hapon.
Sa mga interesadong lumahok, puwedeng maglaro sa CF Manila Bay o kahit saang nga sangay CF sa Angeles, Bacolod, Carmona, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Malabon, Olongapo, Parkmall (Cebu), Ronquillo (Manila), Tagaytay at Talisay (Cebu).
Bukod sa Pebrero 22, nakatakda rin ang “P1K for P1M” sa Marso 28, Abril 18, Mayo 23, Hunyo 13, Hulyo 18, Agosto 22, Setyembre 26, Oktubre 17, Novbyembre 14 at Disyembre 19.
Sa karagdagang impormasyon, tumawag lang sa PAGCOR Bingo Department 7755-3699 locals 7201 hanggang 7204 o bumisita sa website na www.pagcor.ph at www.casinofilipino.ph. (REC)
-
Brooklyn Nets pasok na sa NBA semifinals matapos ilampaso sa Game 5 ang Celtics
Pasok na rin sa second round ang powerhouse team na Brooklyn Nets matapos ilampaso sa Game 5 ang Boston Celtics, 123-109. Tinapos ng Nets ang first round series sa 4 wins against 1. Dahil dito, uusad na ang Brooklyn sa semifinals upang harapin naman ang nag-aantay na Milwaukee Bucks. […]
-
PH taekwondo jin Kurt Barbosa, ginamit ang kahinaan ng kalaban upang mag-qualify sa Tokyo Olympics
Sinamantala ni Filipino Taekwondo jin Kurt Barbosa ang pagkakataon sa last remaining five-seconds sa kaniyang laban sa men’s-58-kg semifinals division upang maipanalo ang Asian Taekwondo Olympic Qualification Tournament sa Amman, Jordan. Sa panayam kay Barbosa, nakita niyang pagod na ang kaniyang kalaban na si Zaid Al-Halawani na hometown bet at hindi na makadepensa […]
-
Gobyerno, inalis na ang restriksyon sa mga non-essential travel ng mga Filipino
INALIS na ng pamahalaan ang restrictions na ipinatupad nito sa mga non-essential travel ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang naging desisyon ng COVID-19 task force ng pamahalaan, araw ng Lunes. Nagtakda rin aniya ang task force ng mga kondisyon sa non-essential outbound travel ng […]