• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

700 EMPLEYADO NG BI NABIGYAN NA NG 2ND DOSE NA BAKUNA

MAHIGIT  700 na rank and file employees ng Bureau of Immigration (BI)  ang nakatanggap na ng second dose  ng Sinovac COVID-19 vaccine  nitong nakaraang Linggo.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na ang 700 na BI works ay nabakunahan nitong Sabado at Linggo sa tanggapan ng BI sa Intramuros, Manila.

 

 

“Now they have gotten their second dose, our frontliners are now more confident of rendering efficient service to the public with less anxiety of getting infected by the virus,” ayon kay Morente.

 

 

Dagdag pa ni Morente na sa kabila nang nakumpleto na nila ang kanilang bakuna, pinaalalahanan pa rin sila na sumunod sa minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield habang naka-duty.

 

 

“Employees of the BI, being a frontline agency, are one of the most vulnerable to the virus,” ayon kay Morente.  “Our personnel assigned at the airports and seaports, as well as those manning our different offices nationwide, are highly exposed as the nature of their jobs demands that they come face to face with hundreds of people, be they international travelers or visa applicants, who avail of our services,” dagdag pa ng BI Chief.

 

 

Nabatid na ang mga nakakumpleto ng bakuna ay kabilang sa may 1,300 na empleyado ng BI mga unang nabigyan ng first dose ng Sinovac noong April 24-25 at May 1-2.

 

 

Nabatid naman kay BI Covid-19 Task Force Chair and Deputy Commissioner Aldwin Alegre, na ang mga natitirang mga babakunahan ay nakatakdang tumanggap ng kanilang second mode nitong darating na Linggo habang ang 700 hanggang 800 na empleyado na naka-assigned sa airport at BI offices sa Metro Manila ay nakatakda pang bakunahan. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Piniling reward na magtayo ng business: YSABEL, ‘di natuloy sa law school dahil sa ‘Voltes V: Legacy’

    FOUR years ang preparasyon at apat na buwan na umere ang ‘Voltes V: Legacy’ na consistent top-rating show ng GMA.     At dahil hindi biro ang kanilang pinagdaanan para mapaganda ang show, may reward o gantimpala ang Voltes team sa kani-kanilang sarili.     Ang nag-iisang babae na miyembro ng grupo na nagpipiloto sa […]

  • PDU30 tinanggap na ang pagbibitiw ni Morales

    Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.   “Tinanggap po natin at ni Pangulo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto dahil po sa kanyang kalusugan. Alam po ng lahat na siya po ay may cancer, ito pong […]

  • Tulfo, ipinag-utos ang paglikha ng IRR para sa solo parents welfare act

    IPINAG-UTOS ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang pagbalangkas at pagbuo ng  implementing rules and regulations (IRR) para patakbuhin o maging operasyonal ang Expanded Solo Parents Welfare Act.     Sinabi ng Kalihim na binuo ang  technical working group (TWG) para mag- draft ng  IRR ng bagong batas na magbibigay […]