• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘70s at ‘80s pa nauso sa Hollywood at local actors: CARLOS, pinagtanggol ng netizens sa pagsusuot ng ‘crop top’

PINAGPIYESTAHAN nga ng bashers ni Carlos Yulo ang pagsuot nito ng crop top habang nagbabakasyon sa Seoul, South Korea.

 

Impluwensya daw ito ng girlfriend niyang si Chloe kaya pati damit na pambabae lang daw ay sinusuot nito.

 

Pero pinagtanggol ang double Olympic Gold medalists ng maraming netizens dahil wala raw masama sa pagsuot ng crop top dahil nagawa raw i-break ni Yulo ang tinatawag na “toxic masculinity” sa society natin.

 

Noong ‘70s and ‘80s pa raw nauso ang crop top at tawag dito noon ay “hanging shirt” na pati mga lalake ay sinusuot ito sa gym tulad ng Hollywood actors na sina Sylvester Stallone, Arnold Schwarzenegger, John Travolta, at Jean-Claude Van Damme.

 

Naging unisex fashion statement sa Pilipinas ang crop top at pinost ng netizens ang mga local actors na nagsuot nito tulad nila Aga Muhlach, William Martinez, JC Bonnin, Ruru Madrid, Kristoffer Martin at ibang kilalang basketball players.

 

***

 

DAHIL naging dating magka-loveteam at close na magkaibigan, tinanong si Louise delos Reyes kung humantong ba sa romantikong relasyon ang ugnayan nila noon ni Alden Richards.

 

“No. Kasi may pumasok na po agad na nanligaw na pursigido,” tugon ng aktres.

 

Aminado si Louise na naapektuhan siya noon sa loveteam nina Alden at Maine Mendoza na “AlDub” dahil nadadawit ang pangalan niya.

 

“Pero ngayon kasi nasa posisyon, especially ako na better headspace, dati kasi siyempre iniisip mo ‘Ano ba ‘yan bakit palaging dinadawit ako?’ Lahat na lang ng sabihin ko mali. Kasi dinadamay ang nanay ko, family ko,” sabi ni Louise.

 

Nagkatambalan sina Alden at Louise sa “Alakdana” noong 2011, “One True Love” noong 2012, at “Mundo Mo’y Akin” noong 2013.

 

 

***

 

NAGSALITA na si Ariana Grande tungkol sa relationship niya sa Wicked co-star na si Ethan Slater. Taong 2023 sila nagkakilala sa set ng musical at kaka-divorce lang ng singer at may asawa naman si Slater.

 

“I went through a lot of life changes during the filming of this movie. We were away for two years. I understand why it was a field day for the tabloids to sort of create something that paid their bills.

 

Many people believe the worst version of it.,” sey ni Grande.

 

Sinisisi nga si Grande sa pagkasira ng magandang marriage ni Slater.

 

“These tabloids have been trying to destroy me since I was 19 years old. But you know what? I’m 31 years old and I’m not a perfect person, but I am definitely deeply good, and I’m proud of who I’m becoming. I will never let disreputable evil tabloids ruin my life,” diin pa ni Ariana.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PBBM, kumpiyansa na sapat ang budget para sa Mayon-affected residents

    KUMPIYANSANG sinabi ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na may sapat na pondo ang pamahalaan para bigyan ng karagdagang suporta ang mga pamilyang apektado ng kamakailan lamang na aktibidad ng Bulkang Mayon.     Sa isang ambush interview sa Taguig City, tinanong kasi si Pangulo Marcos kung may sapat na pondo para tulungan ang mga apektadong […]

  • ‘Ticket to Paradise’ Brings Back Big-Screen Romcom Feels, George Clooney and Julia Roberts Reunited

    YOU are cordially invited to a feel-good family romcom, “Ticket to Paradise,” starring blockbuster actors Julia Roberts and George Clooney along with Kaitlyn Dever (known for her roles in hit series Unbelievable and Dopesick) and Indonesian actor Maxime Bouttier who makes his Hollywood debut in the movie.   “Ticket to Paradise” is Directed by Ol […]

  • Tulfo, Villar nagkasagutan sa hearing

    DAHIL  sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng mga palayan at subdivision kaya nagkainitan sina Senators Raffy Tulfo at Cynthia Villar sa gitna ng pagdinig ng senado sa 2023 budget ng Department of Agriculture (DA).     Nag-ugat ang sagutan ng dalawang senador matapos tanungin ni Tulfo kay […]