• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Erram, 2 pa gigisahin ni Marcial

NASA kumukulong mantika ngayon sina TNT forward John Paul (Poy) Erram NLEX center Joseph Ronald (JR) Quiñahan at John Rodney Brondial ng Alaska Milk dahil sa technical at flagrant fouls na kinatalsik nila sa unang laro sa reopening ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.

 

Linggo nang ma-eject agad ang kaya pinatawag ni PBA commissioner Wilfrido Marcial. Pero hindi muna binunyag ng opisyal ang magiging parusa o multa sa dalawa habang hindi pa nakukuha ang mga panig ng isa’t- isa.

 

Maaga pa para pag-usapan aniya ang sanctions, ayon kay Marcial sa Philippine Sports- writers Association o PSA Forum webcast kamakalawa na mga hatid ng San Miguel Beer, Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restau- rant, at PAGCOR, kasama ang Upstream Media bilang official webcast partner at pinalakas ng Smart.

 

Pinatalsik si Erram sa game dahil sa technical foul makaraan ang flagrant foul penalty 1 sa laro kontra Aces. Gayundin si Quinahan sa laban ng Road Warriors kontra Barangay Ginebra San Miguel. Naging maganda ang pasok niya sa ambag na 26 points sa 102-92 pagkalango ng Road Warriors sa Gin Kings.

 

Umiskor lang ng 4 pts., 8 boards at 6 assists si Erram sa pagpapadapa ng Tropang Gida sa Alaska Milk, 100-95. Nakalimang puntos at apat na rebound si Brondial. (REC)

Other News
  • Safer Internet Day: Globe, may webinar sa online child safety at protection

    PAGTITIPON-tipunin ng Globe ang key stakeholders at multi-sectoral partners ngayong buwan sa isang webinar.     Naglalayon ito na mapalawak ang kamalayan at maisulong ang tuloy-tuloy na pagkilos tungo sa proteksyon ng mga bata laban sa1 online sexual abuse at exploitation.     Ipagdiriwang ang annual Safer Internet Day, at ang Globe ay magho-host ng […]

  • Romualdez: Pagbaba ng inflation dapat pagtulungan

    HINDI lang dapat ang Pangulong Marcos at iba pang sangay ng pamahalaan ang kumilos para bumaba ang inflation ng bansa o pagmura ng mga bilihin kundi pati ang pribadong sektor.   Ito ang pananaw ni House Speaker Martin Romualdez matapos bumaba sa 1.9 percent ang inflation ng bansa noong Setyembre.   “Effort ni PBBM ‘yan […]

  • MMDA, nag-deploy ng mga bus, military truck para sa ‘Libreng Sakay’

    PINAIGTING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ang kanilang  “Libreng Sakay”  sa kahabaan ng  Commonwealth Avenue sa  Quezon City upang ma- accommodate ang mas maraming mananakay lalo na ang mga estudyante matapos ang pagpapatuloy ng in-person classes.     Sa isinagawang  actual dispatch, sinabi ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III na nag-deploy ang ahensiya […]