74.5K PDLs, pinalaya mula sa BJMP-run jails sa unang 10 buwan ng 2023
- Published on November 29, 2023
- by @peoplesbalita
MAY kabuuang 74,590 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula sa prison facilities na pinatatakbo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Bahagi ito ng inisyatiba na paluwagin ang mga kulungan sa bansa.
Sa isa ng kalatas, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., resulta rin ito ng pagbaba ng jail congestion rate ng BJMP mula 281% noong Enero ay naging 238% na nitong Oktubre.
Kabilang sa naturang numero ang 7,647 PDLs na pinalaya sa pamamagitan ng piyansa; 10,592 nagsilbi ng sentensiya na may time allowance, habang 18,290 ang nagsilbi ng walang time allowances.
Samantala, mayroon namang 6,249 PDLs ang pinawalang-sala habang 7,591 ang inilipat sa Bureau of Corrections (BuCor), youth detention facilities, National Center for Mental Health (NCMH), at drug reformation centers.
Sa kabilang dako, may 51 PDLs ang pinalaya dahil sa parole; 6,831 dahil sa probation; 4,677 naman ang permanent dismissal, habang 6,161 naman ang provisional dismissal; 4,840 ang recognizance; 60 ang community service; at 1,601 PDLs ang pinalaya sa pamamagitan ng ibang paraan.
Sa kabilang dako, kinilala naman ni Abalos ang pagsisikap ng BJMP gaya ng pagbibigay ng legal at paralegal services na nakapag-ambag sa pagpapaluwag sa napakasikip na BJMP-run prison facilities.
Itinulak din ng Kalihim ang komprehensibong programa na makapaghihikayat sa mga bilanggo na baguhin ang kanilang mga gawi at tulungan ang mga ito na maging produktibong miyembro ng lipunan.
“The solution here is not building new jails. The right solution is to avoid committing crimes and not return to jails anymore. The theme here is correction — correcting mistakes,” ayon kay Abalos. (Daris Jose)
-
Pasahe sa MRT 3 tiyak na tataas sa darating na taon
Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na may mangyayaring pagtataas ng pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa darating na unang quarter ng taon. “I understand that MRT 3 fare hike will be presented to the LRTA board next year. I think the LRTA will not be hard up if […]
-
Halos 39K katao apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Mayon
AABOT sa halos 39,000 katao ang apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Mayon. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 20,000 residente ang kasalukuyang nasa 28 evacuation centers sa Albay simula pa nang magpakita ng paggalaw ang Mayon. Nasa anim na lungsod at bayan ang nagdeklara […]
-
Bilang ng mga walang trabaho sa bansa nabawasan – PSA
NAKABALIK na sa pre-pandemic level ang bilang ng walang trabaho sa bansa. Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) na nitong Oktubre ay umabot na sa 4.5 percent ang bilang ng mga walang trabaho ito na ang pinakamababang level sa loob ng 17 taon. Mas mababa pa ito ng limang porsyento noong […]