• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

75 katao nalason sa galunggong at tahong

UMAABOT sa 75 ka­tao ang naratay dahil sa posibleng food poisoning matapos na kumain ng galunggong at tahong sa Brgy. Inirangan, Bayambang, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.

 

 

Sa report ng Municipal Health Office sa Office of Civil Defense Region, ang kinain na galunggong at tahong ay binili ng mga residente sa isang vendor.

 

 

Sinusuri na rin ng mga health experts ang sample ng nakain ng mga biktima upang mabatid kung alin sa galunggong at tahong na nakain ng mga ito ang posibleng nakalason sa mga biktima.

 

 

Nakauwi na sa kani­lang mga tahanan ang ilan sa mga nalasong residente matapos na malapatan ng pangunahing lunas habang ang iba pa ay patuloy na nagpapagaling sa ospital.

 

 

Gayunman, matapos makain ang galunggong at tahong ay nagsimula nang makaranas ng matinding pananakit ng tiyan at ulo, pagsusuka, paninigas ng kalamnan at matinding pagkahilo ang mga tao sa nasabing barangay.

 

 

Agad silang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

 

 

Kasalukuyan namang inaalam kung ang nakain ng mga biktima ay nagtataglay ng red tide toxin.

Other News
  • Irving, first time nakalaro na rin sa practice ng Brooklyn Nets

    Kinumpirma ng Brooklyn Nets na nakabalik na rin ngayong araw sa training camp ng koponan ang kanilang superstar point guard na si Kyrie Irving.     Una rito,inabot na rin ng apat na practice sessions na hindi pa nakakasali si Irving at isang pre-season games dahil sa isyu pa rin ng hindi nito pagpapabakuna   […]

  • After na ma-confirm ang hiwalayang Elijah at Miles: MAVY at KYLINE, bali-balita naman na nag-break na rin

    MAGTATAPOS na ang year 2023, pero puno pa rin ang schdules ni Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.       Kailan lamang ay nag-announce na ang GMA Network ng bagong historical drama na “Pulang Araw” na magtatampok sa kanya, kasama sina Sanya Lopez at ang BarDa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.   […]

  • 642 kaso ng COVID-19 variants, natukoy

    Umabot sa 642 mga bagong kaso ng iba’t ibang variants ng COVID-19 ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa gitna ng tumataas na kaso ng virus sa bansa.     Ayon sa DOH, nasa 266 kaso ng B.1.1.7 o UK variant ang natukoy; 351 ang B.1.351 o ang South African variant at 25 bagong […]