• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

$750M loan deal para sa COVID-19 response, nilagdaan ng Pilipinas at China-led AIIB

Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas sa China-led Asian Infrastructure Bank (AIIB) para sa $750 million na loan para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan.

 

Pinagtibay ng $750-million loan accord na ito ang commitment ng AIIB na maging katuwang ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-finance sa COVID-19 Active Response and Expenditures Support (CARES) program ng Pilipinas.

 

Sa isang statement, sinabi ni Finance Sec. Calors Dominguez III na makakatulong ang inutang na pera mula sa AIIB para sa funding requirements na kinakailangan upang tugunan ang malalang epekto ng COVID-19 hindi lamang sa mamamayan ng bansa kundi maging sa ekonomiya rin.

 

“On behalf of the Philippine government, we thank the AIIB and President Jin Liqun for committing with the ADB to support the CARES program, which will go a long way in helping our people get back on their feet, and our economy recover and emerge stronger after the crisis,” ani Dominguez.

 

Umaasa ang DOH na nitong buwan ay makakamit ang full disbursement ng $750 million na utang mula AIIB.

 

Ang utang na ito ay may maturity periord na 12 taon at may grace period pa na tatlong taon.

 

Noong Mayo, mababatid na lumagda rin si Dominguez ng kasunduan sa ADB para naman sa $1.5 billion budgetary support para gamitin din ng pamahalaan sa CARES program. (Daris Jose)

Other News
  • Ephesians 4:16

    From [Christ] the whole body, joined and held together by every supporting ligament, grows and builds itself up in love, as each part does its work.

  • FIBA saksi sa PBA bubble

    NASA Mies, Switzerland ang International Basketball Federation o FIBA headquarters, habang ang FIBA Asia ay nasa Beirut, Lebanon.   Pero nagmamatyag sila sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga para masusing saksihan ang eksperimento ng PBA sa bubble sa pagpapatuloy sa 45 th Philippine Cup eliminations 2020 sa darating na Linggo, Oktubre 11. […]

  • WWE Hall of Famer Rikishi, biyaheng ‘Pinas

    MAKIKITA ng mga Pinoy wrestling fan ang World Wrestling Entertainment Hall of Famer na si Rikishi.   Nakatakda siyang dumating kasama ang isa pang wrestler na si Reno ‘Black Pearl’ Anoa’I para magdaos ng mga wrestling clinic sa bansa.   Ang event ay para sa paglulunsad din ng World Wrestling Asia, na ang organizer ay […]