• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, handang tugunan ang anumang kinakailangan ng Senado at Kamara para agad na maratipikahan ang 2021 national budget

NAKAHANDA ang Department of Budget and Management (DBM) na tumulong sa kung ano pa ang mga pupuwedeng nilang maitulong sa Dalawang Kapulungan ng Kongreso para mapadali ang proseso ng pagpasa ng 2021 national budget.

 

Kinikilala ng dbm ang pagsisikap ng Senado at Kongreso na matulungan ang gobyerno sa pamamagitan Ng pagpasa sa tamang oras ng panukalang national budget para masiguro na hindi na muling gumamit ang bansa ng reenacted budget.

 

Sa malacanan briefing, sinabi ni budget Sec. Wendell avisado, na umaasa sila na sa mga ginagawang hakbang ng mga mambabatas ay agad nang mararatipikahan ang 2021 Proposed national budget.

 

Sinabi pa ng Kalihim na ngayong naresolba na ang leadership issue sa mababang kapulungan ng kongreso, ay umaasa siya na maipapasa ng hanggang sa biyernes sa 3rd and final reading ang 2021 national budget.

Other News
  • 1 Thessalonians 5:15

    Always seek to do good to one another and to all.

  • 25k katao na pinaghihinalaang may Covid-19, matagumpay na na-isolate ng gobyerno

    MATAGUMPAY na na-isolate ng pamahalaan ang mahigit sa 25,000 katao na pinaghihinalaang mayroong COVID-19.   Layon nito na mapigil ang pagkalat ng nasabing sakit.   Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Sec. Carlito Galvez, chief implementer of the country’s national plan against COVID-19, na may kabuuang 25,430 […]

  • Pope Francis, magsasagawa ng misa sa Vatican para sa 500th anniv ng Kristyanismo sa PH

    Pangungunahan ni Pope Francis ang mga Pilipino sa Italy sa selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas.     Ayon kay Scalabrinian Father Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Rome, magsasagawa ng Misa ang Santo Papa sa St. Peter’s Basilica sa Marso 14 dakong alas-10:00 ng umaga.     Ngunit dahil sa nagpapatuloy na […]