• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 arestado sa tupada sa Malabon

WALONG katao ang natimbog matapos salakayin ng mga awtoridad ang illegal na tupadahan sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.

 

 

Ayon kay PSSg Paul Colasito, nakatanggap ang mga oparatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Jay Dimaandal ng impormasyon hinggil sa nagaganap na illegal na tupada sa Block 40, Gold Fish Alley Brgy. Longos.

 

 

Agad bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PLT Melito Pabon saka pinuntahan ang naturang lugar kasama ang Malabon police dakong alas-4 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alfredo Montilla, 63, Marvin Vendivil, 31, at Cornelio Solayao, 49.

 

 

Narekober ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P500 bet collection.

 

 

Nauna rito, dakong alas-11:20 ng umaga nang salakayin ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna din ni PLT Pabon sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Dimaandal ang isa ring illegal na tupadahan sa Block 17 Dagat-dagatan, Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto kina Jhonwayne Macabio, 43, Lamberto Tulyo, 40, Pablo Laban, 44, Rogelio DepeƱa, 56 at Richard Camacho, 43.

 

 

Nasamsam ng mga operatiba ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P11,000 bet collection. (Richard Mesa)

Other News
  • Wimbledon Grand Slam tournaments pinagbawalan ng makapaglaro ang mga Russian at Belarusian players

    PAGBABAWALAN na ng Wimbledon Grand Slam tournaments ang mga manlalaro ng Russia at Belarus.     Ito ay dahil sa ginawang pag-atake ng Russia sa bansang Ukraine.     Sa kasalukuyan kasi ay nakakapaglaro ang mga manlalaro ng Russia at Ukraine sa mga ATP at WTA events dahil sa paggamit ng neutral flags mula ng […]

  • Pedicab driver tinodas ng 2 pasahero sa sementeryo

    Dedbol ang isang 27-anyos na pedicab driver matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na kanyang naging pasahero sa loob ng isang sementeryo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Jesus Dela Cruz, 27, residente ng Brgy. Santolan.   […]

  • Buwis na nakolekta sa ilalim ng sektor ng turismo umabot na sa P404-B

    UMABOT na sa P404 billion peso ang nakolektang revenue sa ilalim ng Kagawaran ng Turismo sa unang sampung buwan ng 2023.     Ito ay mas mataas ng 190% kumpara sa nakolektang buwis sa unang sampung buwan ng 2022 kung saan umabot lamang noon sa P138.46.     Ang mataas na koleksyon ng buwis sa […]