• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

ISINELDA ang walong katao, kabilang ang isang bebot matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sinabi ni investigator-on-case PCpl Glenn De Chavez na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Joel Madregalejo mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activity sa No. 5 Salud St., Balubaran, Brgy. Malinta.

 

 

Kaagad nagsagawa ng validation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSg Alvin Olpindo at pagdating sa nasabing lugar dakong alas-11:30 ng gabi ay naaktuhan nila si Ronald Manansala, 53, Eleazar Larugal, 34, Machine Operator, Diane Fermin, 33, Edwin Espiritu, 40 at Martin Angelo Gabayno, 31, Motorcycle Mechanic, pawang residente ng lungsod na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang bahay.

 

 

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang mabulaga ng mga operatiba at nasamsam sa kanila ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,600 at mga drug paraphernalias.

 

 

Nauna rito, naaktuhan din ng kabilang team ng SDEU sa isinagawa ring validation sa pangunguna ni PSSg Robbie Vasquez sa Servando St., Brgy. Mapulang Lupa sina Roland Hipulan alyas “Alvin”, 33, John Rick Moca alyas “Latek”, 23, at Gerald Galay, 27, na gumagamit din ng hinihinalang shabu dakong alas-12:05 ng hating gabi.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200.00, mga drug paraphernalias at P70 recovered money.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • P5.1M HALAGA NG SHABU, NASABAT NG BOC

    TINATAYANG nasa P5.1 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride na karaniwang kilala sa tawag na “Shabu” ang nasabat, habang dalawang claimant ang nasakote matapos ang matagumpay na anti-drug interdiction operation na pinagsama-samang isinagawa ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa Central Mail Exchange Center noong […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 24) Story by Geraldine Monzon

    KASALUKUYANG  magkausap sa cellphone sina Janine at Andrea nang marinig ng una ang pasigaw na boses ng isang lalaki sa background ng huli.   “ANDREA, ASAN NA ‘YUNG PINAPAPLANTSA KO SA’YO?”   “Sir Jeff, s-sorry po nakalimutan ko!”   “Nakalimutan? Nakalimutan? Diba sinabi ko na sa’yo na susuotin ko ‘yon ngayon sa date ko?”   […]

  • Ads September 15, 2021