• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dekadang pangarap ni Oconer, natupad

NATUPAD na rin sa wakas ni George Oconer ng Standard Insurance-Navy ang may isang dekadang pinapangarap a pagbibisikleta.

 

Ito ay nang pamayagpagan niya ang katatapos na 10th LBC Ronda Pilipinas 2020 Anniversary Race sa Vigan City.
Sumunod lang sa agos ang 28 taong-gulang na pedalpusher sa Stage 10 criterium na nagsimula at natapos sa Ilocos Sur Provincial Capitol nitong Miyerkoles upang masiguro na walang aksidenteng magaganap sa pormal na pagkakampeon.

 

Pa-finish line ng cyclist mula sa San Mateo, Rizal, agad siyang sinalubong ng kanyang mga tagahanga para humingi ng autograph at selfie. Kabilang doon ang ama niyang two-time Olympian na si Norberto.

 

“Salamat sa Diyos, sa mga teammate ko at sa SI-N, dahil sa kanila natupad ang matagal ko ng pangarap na mag-champion dito sa Ronda,” maluha-luha wika ni Oconer na nasa 10 taon na niyang pagkampanya rito at nagrasyahan ng P1M cash sa tagumpay.

 

May aggregate time siyang 32 oras, 42 minuto at 12 segundo habang nasa second hanggang sixth sa overall individual classification sina tyeammates 2018 champion Ronald Oranza, Ronald Lomotos, John Mark Camingao, Junrey Navarra at El Joshua Carino, ayon sa pagkakahilera.

 

Nagwagi si dating two-time champion Jan Paul Morales ng Navy sa last stage 40 minutes at plus three laps sa karera. Sumegundo si Oranza habang tumersero si Navarra.

 

Pumoste si Morales ng 51 minuto at 20 segundo sapat para sungkitin ang pangatlong stage win sa event.
Kampeon din ang Standard Insurance-Navy sa team ng bikathon na ito. (REC)

Other News
  • US itinangging dahil sa cyber attacks ang nangyaring aberya sa paliparan

    ITINANGGI ni US na nagkaroon ng cyber attack matapos ang nangyaring aberya sa kanilang mga paliparan nitong Miyerkules ng gabi.     Ayon kay US Transportation Secretary Pete Buttigieg, na walang ebidensiya o indikasyon na nagkaroon ng cyber attack.     Ganun pa man ay hindi pa rin nila isinasantabi ang nasabing usapin at patuloy […]

  • Ads June 28, 2023

    adsjune_282023

  • Bakunahan sa edad 5-11, inatras sa Pebrero 7

    INIURONG ng Department of Health (DOH) ang petsa ng bakunahan para sa batang nasa 5-11 age group dahil sa logistical issue.     “The roll out for vaccinating children aged 5-11 years old will be postponed for a few days due to logistical challenges,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.     Sa halip […]