• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 lungsod sa National Capital Region makakaranas ng water service interruption

NAGPAALALA ang Maynilad Water Services, Inc. sa walong lungsod sa National Capital Region (NCR) na maaaring makaranas ng water service interruption mula Oktubre 12 -16.

 

 

Sinabi ng Maynilad na ang service interruption ay magaganap araw-araw sa mga nasabing petsa mula 9 a.m. hanggang 11 p.m. sa ilang barangay sa Caloocan, Malabon, Las Pinas, Manila, Makati, Paranaque, Pasay at Quezon City dahil sa mataas na pangangailangan ng tubig sa Bagbag Reservoir nito.

 

 

Dagdag pa ng Maynilad na ang mga mobile water tanker nito ay ipapakalat sa mga apektadong lugar para maghatid ng maiinom na tubig.

 

 

Naka-install din ang mga stationary tank sa ilang lugar.

 

 

Dahil dito, hinihikayat ng ahensiya ang mga apektadong customer na mag-imbak ng sapat na tubig kapag may supply.

 

 

Sa pagpapatuloy ng water service, hayaan ang tubig na dumaloy saglit hanggang sa ito ay maalis. (Daris Jose)

Other News
  • Pfizer vaccine iturok sa mahihirap – Duterte

    Pinatitiyak ni Pangu­long Rodrigo Duterte na ibibigay sa mga mahihirap ang COVID-19 vaccine na gawa ng US-based Pfizer-BioNTech na nanggagaling sa   COVAX Facility.     Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kautusan ng Pangulo ay batay sa patakaran ng COVAX facility.     “Ipinag-utos din po ng Pangulo na ibigay ang Pfizer sa mga […]

  • “Depektibong” National ID system rollout, pinasisiyasat

    PINASISIYASAT ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa Kamara ang mabagal at ‘ depektibong’ rollout ng National ID system sa bansa.     Sa House Resolution 471, dapat magpaliwanag ang mga ahensiya ng gobyerno na siyang nangangasiwa sa naturang prokyeto kabilang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Economic and Development Authority (NEDA), […]

  • Espiritu aminadong umaalingasaw trade

    INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.   Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga […]