• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 sa 15 preso pumuga sa Caloocan detention facility, nahuli na

NASAKOTE na sa manhunt operation ng pulisya ang anim sa 15 persons Under police custody (PUPC) na pumuga sa kanilang temporary detention facility sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, 15 PUPCs ang tumakas bandang ala-1:50 ng madaling araw sa pamamagitan ng maliit na butas na kanilang binutas simula pa nung Lunes gamit ang pako at bato subalit, agad namang naaresto ang dalawa sa kanila habang magkakasunod naman nadakip ng Trackers Team ang anim pa na sina Arnel Buccat, 19, (leader), Reymark Delos Reyes, 27, Harris Danacao, 23, Mark Oliver Gamutia, 21, Aldwin Jhoe Espila, 25, at Reynaldo Bantiling, 35.

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, kinilala ni Col. Menor ang iba pang PUPC na pinaghahanap ng kanyang mga tauhan na pumuga sa custodial extension facility na matatagpuan malapit sa bagong Caloocan City Hall bilang sina Martin Mama, 46, Gerrymar Petilla, 21, Hudson Jeng, 42, Norbert Alvarez, 35, Jovel Toledo, Jr. 27, Raymond Balasa, 35 at Justine Tejeros, 22 na nahaharap sa iba’t ibang mga kaso.

 

Ani Col. Menor, ang kanilang custodial extension facility ay inilaan pa sa PUPC na naibigay na ang commitment order ng korte para sa kanilang paglipat sa Caloocan City Jail (CCJ) subalit dahil may banayad silang sintomas ng coronavirus disease (COVID) 19, habang ang iba ay nagpositibo sa isinagawang rapid test ay kinailangan silang i-quarantined ng 21-days sa kanilang extension facility.

 

Kinumpirma din ng city police chief na dalawa sa mga nakatakas ay nagpositibo sa isinagawang rapid test noong October 2 subalit, nagnegatibo naman aniya sa swab test habang ang 10 iba pa ay hindi pinayagan ng mga health officers ng CCJ na ilipat sa kanilang facility dahil sa kanilang health reason.

 

Napagalaman sa imbestigasyon na sinimulan butasin ng mga detainess ang pader ng facility noong Lunes sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan habang ang iba pang PUPCs ay nagsimulang gumawa ng ingay.

 

Ipinag-utos na ni Col. Menor ang pagsibak sa dalawang naka- duty na pulis nang maganap ang insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • Naomi Osaka hindi na tinapos ang Canadian Open dahil sa injury

    NAPILITANG mag-withdraw sa Canadian Open si Japanese tennis star Naomi Osaka dahil sa back injury.     Hawak ni Estonian tennis player Kaia Kanepi ang kalamangan 7-6(4), 3-0, sa opening game ng mapilitang itigil ni Osaka ang laro dahil sa hindi na nito matiis ang sakit mula sa injury.     Nilapatan pa ito ng […]

  • 4Ps na buntis, may anak na edad 0-2, dapat mag-profile update – DSWD

    PINAALALAHANAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga household-beneficiaries na buntis at may anak na edad 0 hanggang 2-taong gulang na mag-profile update upang mapabilang sa roll-out ng First 1000 Days (F1KD) conditional cash grant na karagdang financial support sa ilalim ng 4Ps, sa susunod na taon.   […]

  • Nakaka-touch ang pinost sa FB at IG: LOTLOT, labis-labis ang pasasalamat sa espesyal na award mula sa ‘The 5th EDDYS’

    DAHIL hindi siya nakadalo sa mismong awards night ng The 5th EDDYS ay sinigurado ni Lotlot de Leon na makapunta sa Christmas Party ng SPEEd (Society of Entertainment Editors) nitong December 1 sa Dapo Restaurant sa Quezon City.     Deadma sa ulan that night ay umapir si Lotlot sa napakasayang party ng SPEEd kung saan […]