• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 sa 15 preso pumuga sa Caloocan detention facility, nahuli na

NASAKOTE na sa manhunt operation ng pulisya ang anim sa 15 persons Under police custody (PUPC) na pumuga sa kanilang temporary detention facility sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, 15 PUPCs ang tumakas bandang ala-1:50 ng madaling araw sa pamamagitan ng maliit na butas na kanilang binutas simula pa nung Lunes gamit ang pako at bato subalit, agad namang naaresto ang dalawa sa kanila habang magkakasunod naman nadakip ng Trackers Team ang anim pa na sina Arnel Buccat, 19, (leader), Reymark Delos Reyes, 27, Harris Danacao, 23, Mark Oliver Gamutia, 21, Aldwin Jhoe Espila, 25, at Reynaldo Bantiling, 35.

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, kinilala ni Col. Menor ang iba pang PUPC na pinaghahanap ng kanyang mga tauhan na pumuga sa custodial extension facility na matatagpuan malapit sa bagong Caloocan City Hall bilang sina Martin Mama, 46, Gerrymar Petilla, 21, Hudson Jeng, 42, Norbert Alvarez, 35, Jovel Toledo, Jr. 27, Raymond Balasa, 35 at Justine Tejeros, 22 na nahaharap sa iba’t ibang mga kaso.

 

Ani Col. Menor, ang kanilang custodial extension facility ay inilaan pa sa PUPC na naibigay na ang commitment order ng korte para sa kanilang paglipat sa Caloocan City Jail (CCJ) subalit dahil may banayad silang sintomas ng coronavirus disease (COVID) 19, habang ang iba ay nagpositibo sa isinagawang rapid test ay kinailangan silang i-quarantined ng 21-days sa kanilang extension facility.

 

Kinumpirma din ng city police chief na dalawa sa mga nakatakas ay nagpositibo sa isinagawang rapid test noong October 2 subalit, nagnegatibo naman aniya sa swab test habang ang 10 iba pa ay hindi pinayagan ng mga health officers ng CCJ na ilipat sa kanilang facility dahil sa kanilang health reason.

 

Napagalaman sa imbestigasyon na sinimulan butasin ng mga detainess ang pader ng facility noong Lunes sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan habang ang iba pang PUPCs ay nagsimulang gumawa ng ingay.

 

Ipinag-utos na ni Col. Menor ang pagsibak sa dalawang naka- duty na pulis nang maganap ang insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Half cup rice isusulong ng DA

    PATULOY na isusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad sa half-cup rice sa mga restaurant bilang tugon sa mga naaaksa­yang kanin.       Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, tugon ito ng ahensiya bagama’t bumaba ang data ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa 255,000 metric tons ang household rice was­tage sa […]

  • Ads January 31, 2025

  • DMW, DFA at OWWA, sanib-puwersa sa pagpapauwi sa mga OFWs na naipit na sa tumataas na tensyon sa Lebanon

    SANIB-PUWERSA ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pag-monitor para tiyakin ang ligtas na pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa tumataas na tensyon sa Lebanon.     Kamakailan lamang ay iniulat ng Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut ang pagbomba […]