804 Valenzuelano PWD at pedicab drivers, natanggap sa TUPAD
- Published on November 23, 2022
- by @peoplesbalita
AABOT sa 804 Valenzuelano persons with disability at pedicab driver ang pumirma ng kontrata bilang pinakabagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Valenzuela City.
Sa pamamagitan ng tanggapan ni First District Representative REX Gatchalian, at sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang REX Serbisyo Center ay nakapaghatid ng tulong para sa recovery ng mga miyembro ng Valenzuela Persons with Disabilities Federation Incorporated ( VPDFI) at mga miyembro ng Pedicab Operators and Drivers Association (PODA) bilang pinakabagong grantees ng TUPAD.
Layunin ng TUPAD na magbigay ng pansamantalang trabaho o “emergency employment” sa mga displaced worker, unemployed, at underemployed na manggagawa na ang kita ay lubhang naapektuhan ng pandemya.
Ang mga benepisyaryo ng DOLE’s program ay gugugol ng hindi bababa sa sampung araw sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng mga social community projects tulad ng paglilinis ng mga kalye, paaralan, health centers, pagbabara sa mga kanal, tree-planting, contract tracing, at iba pa.
Sumailalim sa orientation at contract signing ang Valenzuelano PWD at mga miyembro ng PODA saka natanggap ang kanilang TUPAD ID. Ang kanilang suweldo ay katumbas ng minimum wage sa NCR o PhP 5,700 para sa sampung araw na trabaho mula 8:00 am hanggang 12: 00 nn.
Inihayag ng DOLE worke sa isang orientation na ang TUPAD recipients ay tatanggap ng kanilang suweldo sa pamamagitan ng money remittance Palawan Express matapos sumunod sa mga kinakailangan ng DOLE tulad ng DTR o Daily Time Record, at dokumentasyon ng larawan bilang patunay ng pagdalo.
“Ako po ay personal na nagpapasalamat sa mga kinatawan ng DOLE-CAMANAVA para sa kanilang tulong na maisagawa ang programang ito. Patuloy po tayong susuporta at magbibigay ng trabaho para sa bawat Valenzuelano.” pahayag ni Cong. REX. (Richard Mesa)
-
Babala sa hoarders: 15 taong kulong, P2M multa ipapataw
PlNASASAMPOLAN ng isang lider ng Kamara de Representantes ang mga hoarder ng alkohol at iba pang produkto na lalo lamang magpapasama sa kalagayan ng bansa ngayong kumakalat na ang coronavirus disease. Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian sa ilalim ng Price Act ang mga hoarder ay […]
-
Kaso ng Dengue sa Bulacan, bumaba ng 20%
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagtala ang Provincial Health Office – Public Health ng 1,395 na mga suspected Dengue cases mula Enero 1 hanggang Mayo 29, 2021 na mas mababa ng 20 porsyento kumpara sa 1,734 na kasong naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon. Nasa edad isa hanggang 100 ang apektadong populasyon kung saan mga […]
-
PDu30, pinuri si Duque at mga health workers dahil sa paggaling ng 1.8M Pinoy mula sa Covid-19
PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III at ang mga health professionals dahil gumaling ang may 1.8 milyong Filipino na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19). Sa kabila ng batid ng Pangulo na ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa ay pumalo na sa mahigit 2 milyon, ipinunto ng […]