• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinuri si Duque at mga health workers dahil sa paggaling ng 1.8M Pinoy mula sa Covid-19

PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III at ang mga health professionals dahil gumaling ang may 1.8 milyong Filipino na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

 

Sa kabila ng batid ng Pangulo na ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa ay pumalo na sa mahigit 2 milyon, ipinunto ng Pangulo na ang bilang ng mga taong gumaling mula sa coronavirus ay isang “very good” na indikasyon na pinagsumikapan talaga nina Duque at ng mga medical workers na matalo ang pandemiya.

 

“Now, the Philippines has breached the 2 million mark in Covid cases,” Duterte said in his prerecorded Talk to the People. “However, ang konswelo natin  is that 1.8 million of these have recovered. So meron na lang 200 na wala,” anito.

 

Pinuri rin ni Pangulong Duterte ang Kalihim na sa kabila ng mga batikos na ipinupukol dito dahil sa usaping “mismanagement” ng Covid-19 pandemic response funds at panawagan na bumaba na ito sa puwesto ay nananatili si Sec. Duque sa pagtulong sa pamahalaan na labanan ang Covid-19.

 

“And that…number of Covid-19 recoveries is a very good reflection of what our health people are doing. And I would like also to commend Secretary Duque for that,” ayon sa Pangulo.

 

Sa ulat, may 16,621 bagong Covid-19 infections na naitala dahilan upang ang kabuuang tally nit ay pumalo na sa 2,020,484.

 

Tinatayang 1,840,294 coronavirus-infected individuals ang gumaling habang 33,680 naman ang namatay.

 

Hanggang sa ngayon ay mayroong 16,621 active Covid-19 cases sa bansa.

 

Sa gitna ng pagtaas ng Covid-19 infections, pinaalalahanan naman ni Pangulong Duterte ang publiko na magpabakuna dahil ito ang “best weapon” para protektahan ang sarili mula sa coronavirus.

 

Hinikayat din ng Pangulo ang first dose vaccinated filipino na hangga’t maaari ay kunin ang kanilang second dose ng bakuna.

 

“Alam mo, the vaccination really is what we can offer you to fight Covid-19. Walang iba . There’s no other defense against the microbe, For those who would need the second vaccination, kindly do it also in a hurry,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • 1.69 milyong doses ng Pfizer, Sputnik, Sinovac darating ngayong Abril

    Inaasahan ang pagdating ngayong buwan ng nasa 1.695 milyon doses ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.     Kabilang sa darating ang inisyal na suplay ng Sputnik V na gawa ng Gamaleya Research Institute ng Russia, Sinovac ng China at Pfizer ng Amerika.     Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 500,000 doses […]

  • TBA Studios Brings Singaporean-South Korean Film “Ajoomma” To PH Cinemas

    TBA Studios is bringing the lighthearted family drama Ajoomma to the Philippines and opens in cinemas on March 15.     Singaporean filmmaker He Shuming’s feature debut film, Ajoomma, tells the story of a middle-aged, Korean-drama-obsessed widow from Singapore who travels out of the country for the first time to Seoul, and ends up getting […]

  • Pinoy na nagsisimba linggo-linggo 38% lang — SWS survey

    BAGAMA’T  70% ng mga Katolikong Pilipino ang nagdarasal ng hindi bababa sa isang beses sa isang araw, kakarampot lang ang dumadalo sa pagsamba linggo-linggo, ayon sa panibagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).     ‘Yan ang resulta ng poll ng SWS na ikinasa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre 2022 na siyang […]