• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8,241 o 72.28% pumasa mula sa 11,402 examinees sa first digitalize Bar exam – Justice Leonen

INANUNSYO ngayon ni Supreme Court associate justice at Bar Examinations chairperson Marvic Leonen na umaabot sa 8,241 ang mga pumasa sa kauna-unahang digitalized Bar examinations na isinagawa noong nakalipas lamang na buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan.

 

 

Ang naturang bilang ng mga nakapasa ay katumbas ng passing rate na 72.28%.

 

 

Ayon kay Leonen, umaabot sa 14 na mga Bar takers ang nakakuha ng “excellent performance” makaraang maabot ang grade na mahigit pa sa 90%.

 

 

Sa ginanap na press conference bago inilabas ang mga pangalan ng mga nakapasa, iniulat ni Leonen na sa 14 na nakamit ang excellent performance, apat sa mga ito ang nagmula sa University of the Philippines, dalawa ang graduates mula sa Ateneo de Manila University gayundin sa University of San Carlos, at tig-isa mula sa Arellano University, Ateneo de Davao, FEU, San Beda, University of Cebu, at University of Cordillera.

 

 

Kaugnay nito, isinunod din ang encoding ng mga Bar passers bago naman isinapubliko ang kanilang mga pangalan. (Daris Jose)

Other News
  • COVID-19 cases sa bansa nasa 3,749, highest sa halos kalahating taon

    Nakapag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 3,749 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Huwebes, bagay na nag-aakyat sa kabuuang local infections sa 607,048.     Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:   lahat ng kaso: 607,048 nagpapagaling […]

  • MAVY, dream come true na makapareha ang ‘kaibigan’ na si KYLINE

    DREAM come true para kay Mavy Legaspi ang makapareha si Kyline Alcantara sa very first Kapuso teleserye niya na I Left My Heart In Sorsogon.        “Nabanggit ko nga in my past interviews na si Kyline talaga ‘yung gusto kong makasama sa isang serye, sa first serye ko ever ’cause of the relationship that […]

  • Mga miyembro ng media, kasama na sa A4 priority group list para mabakunahan ng COVID vaccine

    KABILANG na ang mga miyembro ng media sa nabigyan ng prayoridad kaugnay ng nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.   Ito ang nakasaad sa pinakahuling resolusyon na inilabas ng Inter Agency Task Force (IATF) kasunod ng ginawang pag- aapruba sa Priority Group A4 of the National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.   Saklaw ng resolusyon ang […]