87 paaralan sa Camanava, balik face-to-face classes
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
WALUMPU’T-PITO sa 224 na pampublikong paaralan sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela City) ang nakatakdang magsagawa ng limitadong face-to-face (F2F) classes dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, pinamahalaan ng kanyang lungsod ang progresibong pagpapalawak ng mga live classes sa mga pampublikong elementarya at high schools.
Pinuri ni Mayor Tiangco at ng kanyang kapatid na si Cong. John Rey Tiangco ang mga local school officials para sa organisadong pilot na pagpapatupad ng mga live na klase sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
“Of course, the city government has been working hand-in-hand with the Schools Division to ensure the successful implementation of the face-to-face classes although the number of students allowed inside the schools is still limited,” ani Tiangco brothers.
“Now that the situation has started to normalize as indicated by the almost zero daily Covid-19 cases in the city, we can hope that more students will soon be allowed to attend face-to-face classes, dagdag nila.
Sa Valenzuela, sinabi ni Mayor Rex Gatchalian na 24 sa 66 pampublikong elementarya at high schools ang balik in-person learning, kabilang ang Karuhatan Elementary School, Maysan Elementary School, Gen. T. De Leon Elementary School at Coloong Elementary School.
Sinabi naman ni Schools Division-Malabon official Dr. Josefina Pablo na 25 sa 44 public schools sa lungsod ang pinayagan ng magsagawa ng F2F classes.
Sa Caloocan, sinabi naman ni City Schools Division official Melissa Saludes na tatlo lamang sa 89 na pampublikong elementarya at high schools sa kanyang lugar ang nagpatuloy ng mga live na klase. (Richard Mesa)
-
SHARON, masayang-masaya na ibinalitang magaling na si Pawiboy at makakasama na sa Christmas
MASAYANG-MASAYA si Megastar Sharon Cuneta dahil sakto sa pagsi-celebrate ng Pasko ay may isa pa silang makakasama na matagal-tagal din niyang hinintay. Sa IG post ni Mega, kasama ng mga photos, “Guess who’s home?!!! My Pawiboy!!! Just in time for Christmas. “He is now at our vet’s clinic and when he’s […]
-
LTFRB nagsimula nang mamahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle drivers
NAGSIMULA nang mamahagi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fuel subsidies sa mga tricycle drivers mula sa Metro Manila, Central Luzon at Ilocos Region. Bawat isang kwalipikadong tricycle driver ay makakatanggap ng P1,000 na fuel subsidy mula sa LTFRB. Ang pondo ay mula sa binigay ng Land Bank of […]
-
Matapos na sumailalim sa lung surgery… Vocalist ng Aegis na si MERCY, pumanaw na dahil sa cancer
PUMANAW na ang isa sa vocalist ng bandang Aegis na si Mercy Sunot dahil sa sakit na cancer. Ang malungkot na balita ay ibinahagi sa official Facebook page ng banda nitong Lunes ng umaga, ilang araw matapos humingi ng dasal si Mercy sa publiko para sa kaniyang paggaling. “It is with heavy hearts […]