• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9.6 milyong kabataan target mabakunahan

Inaasinta ng Department of Health (DOH) na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 9.6 milyong kabataan na kabilang sa 12-17 age group bago matapos ang taon.

 

 

Kaugnay ito ng anunsyo ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na mag-uumpisa na ang vaccination sa naturang age group kahit walang comorbidities sa Metro Manila sa Nobyembre 3 at sa buong bansa sa Nobyembre 5.

 

 

Sinabi pa ng opisyal na ang 9.6 milyon ay katumbas ng 80 porsyento ng 12 milyong kabataan na kabilang sa naturang age group sa buong bansa.

 

 

Layunin ng pagpapalawak ng pediatric vaccination na mahikayat pa ang ibang miyembro ng pamilya na magpabakuna na rin at makabalik na ang mga bata sa ‘face-to-face classes’.

 

 

“We are hoping that with children’s vaccination ay i-increase ang pagbabakuna ng ating mga lolo, mga lola, mga A2 (senior citizen). Initially may feeling na ‘Wag na kami mga anak na lang namin,’” ani Cabotaje.

 

 

“Now that the children are okay, baka maengganyo rin ang buong pamilya magpabakuna,” dagdag pa niya.

 

 

Maaari na rin naman aniyang magsimula sa pagbabakuna ng mga kabataan ang mga lugar na handa na para dito kasabay ng mga siyudad sa Metro Manila. (Daris Jose)

Other News
  • Christmas bonuses, free legal aid para sa mga barangay tanod

    IPINANUKALA ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagbibigay ng Christmas bonuses at iba pang insentibo sa mga barangay tanods.   Ito ay bilang pagkilala sa ibinibigay na serbisyo para sa pagmementina ng peace and order sa komunidad.   Sa House Bill (HB) 10909, kabilang sa benepisyo na ilalaan sa mga barangay tanods […]

  • Tuloy na tuloy ang Miss World 2021 Coronation: TRACY MAUREEN, handa nang ipakita na kayang mapanalunan ang korona

    TULOY na ang Miss World 2021 Coronation matapos itong maantala last December 17 dahil sa Covid-19 pandemic.     Ready na ang Philippine bet na si Tracy Maureen Perez to conquer greater heights at ipakita na kaya niyang mapanalunan ang korona as she competes with 40 candidates aiming to win the Miss World 2021 crown. […]

  • DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa ‘sexual contact,’ pero hindi STD

    TINATAYANG 95% sa kaso ng monkeypox viral disease sa buong mundo ang naipasa sa habang nagsasagawa ng sekswal na mga gawain, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.     Pero nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sexually transmitted disease o STD ang naturang virus.     “Hindi [s]iya classified as […]