• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 na Japanese Nationals, ipinatapon dahil sa Telco Fraud

IPATATAPON pabalik sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na Japanese nationals na inaresto ng mga operatiba ng immigration dahil sa kahilingan ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa wanted sa telecommunications fraud.

 

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente Irie Dai, Ishii Kyogo, Hamaoka Kantaro, Maeyama Takuto, Tanaka Kazuya, Yoshida Takeshi, Murata Seiichi, Kouki Shouji, at Imizumi Ryo ai idineresto sa Narita Airport Tokyo sakay ng Japan Airlines mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

 

Ang siyam na pinabalik ay kabilang sa unang batch ng deportees mula sa 36 na Japanese nationals na inaresto sa Makati City noong Nov. 13 ng mga ahente.

 

Matatandaan na isang summary deportation order ang inisyu ng three-man BI board of commissioners laban sa mga dayuhan para sa pagpapatapon sa kanilang bansa.

 

Isinama rin ng board ang kanilang pangalan ng undesirable aliens upang maiwasang mkabalik pa sila ng Pilipinas.
Nakasaad sa dalawang pahinang kautusan na pinamu-nuan ni Morente na ang mga wanted na Japanese nationals ay nararapat nang paalisin ng Pilipinas dahil ang kanilang pamamalagi ay maitituring na banta. (Gene Adsuara)

Other News
  • PBBM sa Kongreso, aprubahan ang 2025 budget na may kaunting rebisyon

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mambabatas na aprubahan ang executive-crafted National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2025 sa kanilang ” usual timely manner” at umaasa na mayroon lamang na kaunti hanggang sa walang rebisyon o pagwawasto. “We look to the cooperation of our colleagues in the legislature, not only that our […]

  • Lalaki, nang-hostage sa loob ng isang mall sa Lipa City, Batangas

    NASA kustodiya na ng Lipa City Police ang isang lalaki makaraang nang-hostage sa loob ng isang gadget store sa lob ng isang kilalang mall sa Lipa City Batangas Martes ng hapon.   Kasong paglabag  Serious Illegal Detention and Violation of Omnibus Election Code (Possession of Deadly Weapon) ang kinakaharap ng naarestong suspek na si Alyas Alvin […]

  • GRUPO NG MGA MIDWIFE SA BUONG BANSA, UMAPELA SA DOH

    UMAPELA sa pamahalaan ang mga grupo ng mga kumadrona, partikular na sa Department of Health na huwag silang balewalain at kilalanin ang kanilang kontribusyon sa health sector.     Ayon kay Patricia Gomez, Executive Director ng Integrated Midwife Associations of the Philippines, Inc., o IMAP, isa sa kanilang hinaing ay ang Administrative Order 2012-0012 na […]