• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 PANG PUGANTENG JAPANESE NATIONAL, PINA-DEPORT

PINABALIK sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud.

 

 

Ang mga pugante ay umalis patungong Narita via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kasama ang kanilang mga Japanese police escort .

 

 

Kinilala ang mga pina-deport na sina Matsuoka Shunjiro, Haga Kenji, Yoshizawa Shinichi, Takeda Tasuya, Araki Toshiya, Ogawa Takuma, Hiramura Takashi, Kiya Yasuke  at Ichimura Shuichi.

 

 

Ang siyam ay kabilang sa sindikato na sangkot sa telecom fraud at extortion, na inaresto sa isang hotel sa Makati City noong  November 2019 ng mga ahente ng BI’s Fugitive Search Unit.

 

 

“They were involved in voice phishing and telephone fraud operations that targeted Japanese,” ayon kay  BI Commissioner Jaime Morente.

 

 

Matatandaan na sampu pa sa kanila ay pina-deport kamakailan upang harapin ang kanilang kaso sa Tokyo.

 

 

Ang mga pugante ay inilagay na rin sa BI’s blacklist upang hindi na makabalik ng bansa.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • ORGANIZERS NG OLYMPICS NATUWA SA BALITA NA MAY COVID-19 VACCINE NA

    IKINATUWA ng Tokyo Olympics organizers ang balitang mayroon ng coronavirus vaccine pero sinabi nitong tuloy pa rin ang kanilang mahigpit na bio- security planning para sa naunsiyameng Games.   Ayon sa Olympic officials, hindi basehan ang pagkakaroon ng COVID-19 para matuloy o maidaos ang Olympics sa 2021.   Pero sinabi nito na kung magkakaroon ng […]

  • EPIC ACTION ADVENTURE “THE WOMAN KING” REVEALS FIRST TRAILER

    BOW down to the most exceptional female warrior to ever live.   Check out the first trailer of Columbia Pictures’ epic action-adventure The Woman King, rising soon exclusively in cinemas across the Philippines.   YouTube: https://youtu.be/Urnw1iqXI9E   About The Woman King:   The Woman King is the remarkable story of the Agojie, the all-female unit […]

  • ALDEN, nag-lock-in taping na para sa upcoming series at ‘di para sa movie nila ni BEA

    KAHAPON, May 18, ay nagsimula na ang lock-in taping ng upcoming GMA Primetime series na The World Between Us.      In the main cast sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez. Bago ang lock-in taping, nagkaroon muna ng script reading ang cast at last Saturday, ginanap na ang isa pang script reading at kasama […]