90% ng mga Pinoy iboboto ang mga kandidatong may adbokasiya para sa food security, healthcare
- Published on March 3, 2025
- by Peoples Balita
TINATAYANG 90% ng mga Filipino ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa mga kandidatong magiging tagapagtaguyod o may adbokasiya para sa food security at makapagpapalakas sa health care system.
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Makikita rin sa SWS survey, isinagawa mula Pebrero 15 hanggang 19 at kinomisyon ng Stratbase Group, na 89% ang boboto para sa mga taong itutulak na itaas ang job opportunities at patas na access sa edukasyon.
May 88% ng mga respondent ang boboto para sa kanilang mga ‘manok’ na paninindigan ang karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa kabilang dako, ang iba pang adbokasiya at kani-kanilang porsiyento sa SWS survey results ay:
*bawasan ang kahirapan at kagutuman ng mga Filipino-— 83%
*kontrolin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo — 81%
tugunan ang epekto ng climate change at palakasin ang disaster preparedness — 79%
*ipagtanggol ang national security at soberanya sa West Philippine Sea — 77%
*labanan ang ilegal na droga — 77%
*mapagtagumpayan ang energy security at paggamit ng renewable energy — 75%
*paglaban sa krimen na bumibiktima sa ordinaryong mamamayan gaya ng pagpatay, holdup, mga pagnanakaw, pisikal na karahasan at iba pa— 72%
*pagpuksa sa graft and corruption sa gobyerno — 70%
pagsasabatas ng batas laban sa political dynasties — 63%
*patas na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado — 53%
Samantala, gumamit ang SWS survey ng face-to-face interviews na may 1,800 registered voters sa buong bansa na may edad na 18 taong gulang at pataas.
Sa nasabing bilang, 300 ang sa Metro Manila, 900 sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon sa labas ng Metro Manila), 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.
Ang sampling error margins ay ±2.31% para sa national percentages, ±3.27% para sa Balance Luzon, at ±5.66% each para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
Nakatakda ang 2025 midterm polls sa May 12. (Daris Jose)
-
PAGBUBUKAS NG MANILA NORTH CEMETERY, INILATAG NA
PINAGHAHANDAAN na ng pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) para sa muling pagbabalik ng tradisyunal na paggunita ng “Undas” . Ayon kay Roselle Castaneda, hepe ng MNC, batay sa kanilang inilatag na kalendaryo, simula bukas Oktubre 1 hanggang Oktubre 25 ay bukas ang MNC mula alas 5 ng umaga hanggang alas 5 ng […]
-
P82.5 bilyong pondo sa bakuna kinapos
Hindi sapat ang P82.5 bilyon na inilaan ng gobyerno para sa pagbili ng bakuna ngayong taon laban sa COVID-19, ayon sa Department of Budget and Management (DBM). Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na sa P82.5 bilyon, P70 bilyon ang ginamit para sa pagbili ng bakuna at P12.5 bilyon ang inilaan sa “ancillary […]
-
Representatives ng Pilipinas sa Le Bal des Debutantes sa Paris: AGA at CHARLENE, proud na proud sa kambal na sina ANDRES at ATASHA
PROUD parents ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales dahil naging representatives ang kambal nilang sina Andres at Atasha ng Pilipinas sa Le Bal des Debutantes sa Paris. Ganoon din namang ang mag-asawang sina Congressman Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres, dahil nanalo naman sa Open Fencing Championship, ang only child nilang si […]