90 percent ng license plate backlogs, target tapusin ng LTO sa December 2023
- Published on October 8, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang kahit hanggang 90-porsyento ng produksyon ng backlogs sa mga plaka ng sasakyan sa katapusan ng 2023.
Ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz III, gagamitin ng LTO ang sariling planta nito upang makagawa ng mga plaka kahit ilang porsyento ng kabuuang kakulangan bago matapos ang taon.
Para naman sa mga plakang hindi matatapos magawa ngayong taon, sinabi ni Guadiz na plano ng ahensya na kumuha ng serbisyo ng pribadong kumpanya upang kayaning makumpleto ang kahit 90-porsyento ng backlog pagsapit ng Disyembre ng susunod na taon.
Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.7 bilyong pondo para tugunan ang mga backlog sa mga plaka ng sasakyan bagama’t ang hininging pondo ng LTO ay nasa P6.83-bilyon.
Gayunman, nananatiling positibo ang LTO Chief na maaaprubahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang buong pondo na hinihingi nito para sa mga backlog ng plaka ng sasakyan.
Sa ngayon ay umaabot sa 2.3 milyong pares ng replacement plates o ang pagpapalit ng mga plakang may berdeng character at puting background tungo sa itim na character at puting background ang kailangang matapos. Mayroon namang 11.5 milyon ang backlog para sa mga plaka ng motorsiklo.
“Right now, we have already extended the operating hours of the LTO license plate manufacturing plant. It now operates even on Saturdays so that it can produce more replacement plates and reduce the backlog,”ayon kay LTO chief Guadiz.
Batay sa datos ng LTO Plate Plant, umaabot na sa mahigit 300,000 pares ng replacement plates ang nagawa hanggang noong Oktubre 3 ng kasalukuyang taon. Nagsimula ang produksyon ng replacement plates nitong Mayo.
Samantala, binigyang-diin ni Guadiz na walang backlog ang LTO sa paggawa ng mga plaka para sa mga bagong rehistrong sasakyan.
Kaugnay naman ng sinisingil ng LTO para sa replacement license plates, sinabi ni Guadiz na idinideposito ito sa National Treasury araw-araw at kung kakailanganin ng pondo para sa paggawa ay hinihingi ito sa Kongreso o sa DBM. (Daris Jose)
-
Mag-utol, 2 pa nabitag sa P136K shabu sa Valenzuela
ISINELDA ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang magkapatid matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu makaraang maaresto sa magkahiway na buy bust operation sa Valenzuela City. Ayon kay PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-4:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga […]
-
Tinandaan ang panglalait noon na isang ‘ham actor’: GARDO, mas gustong kainisan at tumatak sa viewers ang pagiging kontrabida
MAY kanya-kanyang dahilan kung bakit nagsusumikap na magtrabaho sa showbiz ang ilang artista. Karamihan ay may kinalaman sa kanilang pamilya at ang pagiging breadwinner nila. Tulad na lang ng Sparkle stars na sina Lexi Gonzales at Zonia Mejia na ang dahilan kung bakit sila nasa showbiz ay para makatulong sa gastusin […]
-
PDu30, susunod sa Senate protocols sa pagpapalabas ng SALN kapag nahalal na senador
SUSUNOD si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa protocols ng Senado sa pagpapalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga miyembro nito kapag nahalal na senador sa 2022 national at local elections. “I am not familiar with the protocols in the Senate. But whatever it is, I am sure the President […]