• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkamatay ng PNPA cadet, pina-iimbestigahan ni PNP chief

Ipinag-utos na ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ni PNPA 4CL Kenneth Ross Alvarado.

 

Si Alvarado ay nasawi noong July 8,2020 dahil sa heat stroke.

 

Batay sa imbestigasyon ng PNPA, nakikilahok sa evening mess formation ang kadete nang mag-collapse ito.

 

Kaagad naman siyang nadala sa Academy Health Service at inilipat sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna kung saan siya binawian ng buhay dakong alas-9:56 ng gabi.

 

Siniguro naman ni PNPA Director PMGen. Jose Chiquito Malayo na magpapatupad sila ng karagdagang hakbang para hindi na maulit ang pangyayari.

 

Kabilang dito ang mandatory na pag-inom ng mga kadete ng hindi bababa sa sampung baso ng tubig kada araw at pagkakaroon ng bandolier na may dalawang baso ng tubig bilang bahagi ng kanilang uniporme.

 

Bukod dito, isasagawa rin ang ilang drills sa malilim na lugar at hahatiin sa dalawang bahagi at tatlong rounds ang progressive exercises ng mga kadete.

 

Ang PNPA class of 2024 ay mayroong 306 na kadete kung saan 254 dito ang lalaki, habang 52 ang babaeng kadete. (Ara Romero)

Other News
  • Cayetano ‘totoong resigned na’ bilang House speaker matapos mahalal si Velasco

    PORMAL nang napalitan bilang speaker ng Kamara de Representantes si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Martes, matapos ang matagal- tagal na agwan sa pwesto bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.   Nangyari ito matapos tuluyang ratipikahan ng 186 miyembro ng House ang kanyang pamumuno, dahilan para matuloy ang “term-sharing” agreement […]

  • US tennis star Coco Gauff hindi makakapaglaro sa Olympics matapos magpositibo sa COVID-19

    Hindi na makakapaglaro sa Tokyo Olympics si American tennis player Coco Gauff matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.     Ayon sa 17-anyos na US tennis player na labis ito ng nadismaya matapos na malaman na positibo ito sa nasabing virus.     Matagal aniya na pangarap niyang maglaro sa Olympics subalit hindi na […]

  • Wala ng magagamit na drug money sa panahon ng pangangampanya sa 2022 elections

    TINIYAK ng Malakanyang na wala ng kakalat na drug money sa 2022 elections dahil ipinasisira na niya para hindi na ma-recycle pa ng mga tinatawag na Ninja cops ang mga nakumpiskang ilegal na droga.   Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque napara maalis ang pagdududa ng ilan sa naging kautusan na ito ng Pangulo […]