• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

95,300 katao nasalanta ni ‘Amang’ — NDRRMC

HALOS 100,000 katao na ang naapektuhan ng nagdaang bagyong Ämang”sa sari-saring parte ng Pilipinas, bagay na nag-iwan ng milyun-milyong pinsala at mga residente sa evacuation centers.

 

 

Sa huling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Biyernes, pumalo na sa 95,337 katao na ang naapektuhan ng naturang sama ng panahon:

 

Apektadong pamilya: 25,762

Apektadong baranggay: 162

Lumikas sa evacuation center: 122,632

Nasa labas ng evacuaton: 26

 

 

Nananatiling nasa P12.34 milyong halaga ng pinsala na ang naidudulot nito sa sektor ng agrikultura, dahilan para masalanta ang nasa 1,324 na magsasaka.

 

 

Partially damaged sa mga nabanggit ang nasa 1,096 hektaryang bukirin. Kaugnay niyan, 663,93 metric tons na ang production loss kung volume ang pag-uusapan.

 

 

Huwebes lang nang sabihin ng Department of Social Welfare and Development Region V na merong 42,717 family food packs (FFPs) at 51,284 non-food items na avilable ngayon sa kanilang warehouses pati na sa local government units.

 

 

Nakapagbigay naman na raw ng 7,000 FFPs sa PLGU-Camarines Sur bilang resources augmentation.

 

 

“Furthermore, the Field Office is continuously monitoring the status and updates from the six (6) provinces on the affected or displaced families and needs assessment,” ayon sa DSWD Region V.

 

 

“The agency is also coordinating with the LGUs for the provision of resource augmentation.”

 

 

Kahapon lang nang tuluyag humina at maging low pressure area na lamang ang dating bagyo.

 

 

Sa kabila nito, magdadala pa rin ito ng maulap na mga himpapawid at kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlap sa Metro Manila, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Zambales at Bataan ngayong araw.

Other News
  • LeBron James isa ng part-owner ng Boston Red Sox

    Isa ng part-owner ng baseball team na Boston Red Sox ang NBA star na si LeBron James.     Nakuha niya ang shares nito sa pamamagitan ng pagbili sa Fenway Sports Groupo ang parent company ng koponan at ilang sikat na sports teams at kumpanya.     Hindi naman binanggit ng kumpanya kung magkano ang […]

  • DOH: 12K COVID-19 testing backlogs sanhi ng ‘overwhelmed’ labs

    Higit 12,000 ng isinumiteng sample para sa COVID-19 ang kinonsiderang backlogs sa iba’t ibang laboratoryo sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) noong Biyernes.   Sa isang virtual forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng delay sa pagproseso ng mga sample na ito ay dahil […]

  • P500 ayuda sa mahihirap ibibigay na ngayon – DSWD

    NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatanggap na ng ilang mga mahihirap na kababayan ang ipinangako na P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa.     Target ng DSWD na maibigay sa 12.4 milyong Pilipinong benepisyaryo sa […]