DOH: 12K COVID-19 testing backlogs sanhi ng ‘overwhelmed’ labs
- Published on July 13, 2020
- by @peoplesbalita
Higit 12,000 ng isinumiteng sample para sa COVID-19 ang kinonsiderang backlogs sa iba’t ibang laboratoryo sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) noong Biyernes.
Sa isang virtual forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng delay sa pagproseso ng mga sample na ito ay dahil sa “overwhelming” na pagdating ng mga specimen dahil sa binagong protocol para sa expanded COVID-19 testing.
Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Malakanyang na kahit ang mga hindi nakikitaan ng sintomas ng COVID-19 ay isasama sa expanded testing program ng pamahalaan.
Upang matapos ang mga backlog, sinabi ni Vergeire na nilimitahan ng mga laboratoryo ang bilang ng mga sample na tinatanggap ng mga ito kada araw.
Nagpatupad din ng zoning ang DOH para sa madaling referral sa ibang kalapit-laboratoryo.
“Pag ang isang laboratory ay nagkakaroon na ng problema like backlogs, puwede natin hingin ang tulong ng isang laboratory na malapit sa kaniya para ma-share niya ‘yung burden of these tests that are being processed,” ayon kay Vergeire.
Hanggang Hulyo 9, mayroong 83 na laboratoryo sa bansa ang accredited na magsagawa ng COVID-19 tests, kung saan 62 sa mga ito ang polymerase chain reaction (PCR) facility at 21 ang GeneXpert laboratories.
Umabot naman sa 19,459 ang average number ng mga test na isinagawa araw-araw mula Hulyo 1 hanggang 7.
Hanggang Hulyo 9 naman, nakapagtala na ang Pilipinas ng 51,754 na kaso ng COVID-19 kung saan 12,813 ang nakarekober at 1,314 naman ang nasawi.
-
Incoming PCOO secretary, itinutulak ang accreditation ng mga bloggers sa Malakanyang
INAAYOS na ng Malakanyang na makasama ang mga bloggers sa ilan sa mga briefings sa Palasyo ng Malakanyang. Sa katunayan, sinabi ni incoming PCOO Secretary Trixie Cruz-Angeles na inaayos na nila ang accreditation ng mga bloggers sa Malakanyang. Idinagdag pa nito na kasama ito sa kanilang prayoridad. “We are […]
-
Ads September 21, 2023
-
Kahit malapit nang ma-divorce sa estranged husband: MICHELLE, ramdam ang lungkot dahil ‘di na buo ang pinangarap na pamilya
TYPE i-revive ni Saviour Ramos ang Sexballs Dancers na ang mga original members ay sina Michael V., Antonio Aquitania, Ogie Alcasid at ang ama niyang si Wendell Ramos. Unang lumabas ang Sexballs Dancers sa isang segment ng Bubble Gang hanggang sa naging most-requested performance na ito ng naturang gag show. Noong […]