• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MALAKI ang pasasalamat ni Ivorian cager Kakou Ange Franck Williams Kouame sa paghirang sa kanya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) upang magsilbing naturalized player ng national men’s basketball team o Gilas Pilipinas.

 

 

Inaprubahan sa nakalipas na linggo sa isang online forum sa pangunguna ni committee chairman Sen. Richard Gordon ang Senate Bill No. 1692 para sa naturalization ni Kouame at SB No. 1391 para kay Spaniard footballer Bienvenido Marañon.

 

 

Alam ni Kouake, kilala ring Angelo o Ange na long term ang magiging serbisyo niya sa PH quintet kaya ready ang 23-year-old, 6-10 center  sa anumang hirap na kanyang mga mararanasan.

 

 

Inaasam niyang niyang makapantay ang kalibre ng mga kinunsidera sa naturalization na sina Philippine Basketball Association (PBA) imports Justin Brownlee ng Barangay Ginebra San Miguel at Chris McCullough ng San Miguel Beer.

 

 

Kaya nangako siya kamakalawa na kakayod at patutunayang hindi nagkamali ang SBPI sa pagkakapili sa kanya lalo’t maayos din naman ang pasuweldo. (REC)

Other News
  • Matapos umani ng pauri sa acting sa ‘The Influencer’: SEAN, napiling bida sa ‘Fall Guy’ at ipalalabas sa international filmfest

    ANG swerte naman ni Sean De Guzman.     Matapos umani ng papuri sa acting sa huling movie niya na ‘The Influencer’, nakatakdang mag-premiere sa isang prestigious international filmfest sa Europe ang latest movie niya titled ‘Fall Guy.’   May second invite na ang ‘Fall Guy’ sa isang prestigious film festival sa Asia.     […]

  • Full Voice Cast Revealed for Walt Disney Animation Studios’ “Wish”

    Excitement is in the air as Walt Disney Animation Studios unveils a brand-new trailer, poster, and enchanting images of “Wish,” the epic musical comedy that’s set to dazzle Philippine cinemas on November 22, 2023.     But that’s not all, the talented members of the film’s voice cast revealed, adding even more star power to […]

  • Social amelioration programs ng DSWD pinapa-excempt sa spending ban sa halalan

    ITINUTULAK ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na gawing exempted ang lahat ng emergency financial assistance programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa spending ban dahil sa eleksyon.     Sa kanyang liham kay DSWD Sec. Rolando Bautista, hiniling ni Salceda na i-petition nito sa Comelec na gawing […]