Torralba nagpaturok na
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
IBINUNYAG ni virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 aspirant Joshua Torralba na naturukan na siya laban para sa Coronavirus Disease-19 sa Estados Unidos.
“I actually got the vaccine so I’m more safe,” bulalas ng Rio Grande Volley Vipers trainer at dating manlalaro ng Makati Super Crunch sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL ) sa isang online na panayam nitong Martes.
Hinirit niya na bago pa siya bumalik ng ‘Pinas, hinintay na niya ang ikalawang dose ng bakuna para sa kanya sa Texas sa Amerika
“I got the first dose, so I’m waiting for my second dose before I go to the Philippines,” lahad ng 26-anyos, 6-2 ang taas na guard ng De La Salle University Green Archers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Pinangwakas niyang pahayag na isa ang nasabing estado na may mga pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa US kaya ginawa na niya ang pagbabakuna para na rin sa kaligtasan.
Nais ng Fil-Am cager makapaglaro sa 46th PBA Philippine Cup 2021 sa Abril 9 kapag na-draft sa Marso 14. (REC)
-
2 tulak timbog sa P340-K shabu
DALAWANG tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bagets ang arestado matapos makuhanan ng nasa P340,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan City Po- lice Chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Alcar Dugay, 20 ng Gonzales St. Brgy. 69 at […]
-
Nahahawig sa pinagdaanan ni Ysabel: MIGUEL, ‘di makalilimutan ang death scene ni CARLA sa ‘Voltes V: Legacy’
MAGTATAPOS na ang ‘Voltes V: Legacy’ sa September 8. Apat na buwang umere sa GMA ang naturang live action sci-fi series na naging consistent top-rater gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes. Bida rito ang limang bumubuo sa Voltes team; sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, […]
-
Malapitan, nagunguna sa SWS survey sa Caloocan
NANGUNGUNA si incumbent Caloocan Mayor Along Malapitan sa listahan ng mga mamamayan ng Caloocan City bilang kanilang alkalde. Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) pagkatapos ng paghahain ng kandidatura ng mga nais tumakbo sa lokal na halalan nitong Oktubre, 81% ng mga botante ng Caloocan ang nais pa ring magpatuloy si […]