“No Vaccine, No Work Policy”, hindi ipipilit
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No Vaccine, No Work Policy” na una nang inilutang ng ilang mga kumpanya.
Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting nila na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan sa publiko na‘wag nang magpatumpik tumpik pa o mag-alinlangan sa mga bakuna dahil hindi naman ito ibibigay kung hindi napatunayang ligtas at epektibo.
Sa kabilang dako, naniniwala naman si Cabsec Nograles na tumataas na ang kumpyansa ng publiko sa bakuna.
Maliban sa mga medical health workers tulad ng mga nurse at doktor maging ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang naunang mabakunahan ay wala namang major adverse effect ang naitala.
Samantala, umaapela si CabSec Nograles sa publiko na sa oras na dumating na ang kanilang panahon para magpabakuna ay buong puso nila itong tanggapin upang magkaroon ng proteksyon mula sa Covid-19. (Daris Jose)
-
PBBM, nilagdaan ang PH Salt Industry Development Act
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11985 o ang Philippine Salt Industry Development Act na naglalayong palakasin at muling pasiglahin ang industriya ng as in sa Pilipinas. Sa 23 pahina ng naturang batas na nilagdaan ng Pangulo noong Marso 11, nakasaad dito na ang tamang teknolohiya at pagsasaliksik at sapat […]
-
EDSA mabilis pa rin ang daloy ng trapiko
Kahit na dumami ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA tulad ng bago pa ang pandemya, ang daloy ng trapiko dito ay naging mabilis pa rin. Sa isang panaham kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin Abalos kanyang sinabi na kahit na madami na ngayon ang bilang ng mga sasakyan naging mabilis […]
-
19,000 Pinoy na nagtatrabaho sa POGO, maaapektuhan sa ban ng DOLE
MAHIGIT 19,000 Filipino workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firms sa National Capital Region (NCR) ang maapektuhan sa nalalapit na ban, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Sinabi ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla na nakapag-profile ang ahensya ng nasa 19,341 Filipino employees na nagtatrabaho sa ilalim ng […]