• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, agad nagbigay linaw sa anunsyong ‘special working holidays’ ang Nov 2, Dec 24 at 31

NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang sinabi na malabong irekonsidera at bawiin ng Malakanyang ang anunsyong ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31 dahil “isang taon na tayong nakabakasyon”.

 

“Alam nyo po, ang konteksto nito, ‘yung karagdagang araw na pinagpapatrabaho tayo, kasama na po ‘yung bisperas ng Pasko, bisperas ng Bagong Taon. Ang konteksto lang nito, talagang maraming tao ang hindi nakapaghanapbuhay dahil dito sa pandemiyang ito. Kaya nga ninanais ng economic team na makahabol naman tayo, at iyon po ang konteksto na aking sinabi. Hindi naman po talaga bakasyon ‘yan, kung hindi, hindi nakapagtatrabaho, kaya ngayon na pupuwede na po tayong makapagtrabaho sana dahil nagbubukas na tayo ng ekonomiya, hayaan naman nating kumita at makapagtrabaho ang ating mga kababayan,” ang palinawanag ni Sec. Roque.

 

Marami kasi ang na-offend sa naging pahayag ni Sec. Roque na kaya nag-anunsyo ng ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31 ay dahil nga “isang taon na tayong nakabakasyon”.

 

Nauna rito, tablado sa Malakanyang ang panawagan ni Senator Risa Hontiveros na irekonsidera at bawiin ang anunsyong ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31.

 

Ang katuwiran ni Sec. Roque, masyado ng napakatagal na nagbabakasyon ng mga Filipino dahil sa Covid 19 kaya’t malabong pagbigyan ang panawagan nito.

 

“Well alam nyo po yan ay dahil sa advised ng economic team. napakatagal na po nating nakabakasyon. halos isang taon na tayong bakasyon dahi sa Covid-19,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Siguro naman po dahil nandito na ang bakuna, hayaan naman natin na maka-recover tayo for loss time noh? Pero tingnan po natin kung anong mangyari .. tingnan natin baka naman dahil may bakuna na eh makabalik na tayo sa dati. Baka hindi na natin kinakailangan na maghabol pa noh? pero let us have faith po sa economic team at sa katotohanan na napakatagal na po nating nakabakaasyon. Iyong iba nga nawala ng trabaho gusto ng mag-trabaho noh?so, let’s leave at that po,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Matatandaang, inamyendahan ng Malakanyang ang listahan ng holiday ngayong taon kung saan sinabing special working holidays na ang November 2 (All Souls’ Day), December 24 (Christmas Eve) at December 31 (last day of the year).

 

“While we understand the need to increase economic productivity, demoting special Filipino holidays to special working holidays will only burden and demoralize Filipino workers, many of whom are already underpaid and struggling with high prices of goods,” panig ni Hontiveros.

 

“This is rubbing salt on the people’s wounds. Bakit aalisin ang pagkakataon para kumita ang mga kababayan natin ng extra, ngayong marami ang hirap sa buhay?”

 

“What is the motivation to suddenly make them working holidays? May iba namang mga special non-working holiday na pwedeng galawin, pero yung Christmas Eve at New Year’s Eve? Dapat understood na non-negotiable ang mga petsang ito,” giit pa nito.

 

Matatanggal aniya sa mga empleyadong papasok ang karagdagang  holiday pay na 30 percent ng kanilang daily basic wage. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 12, 2024

  • NAVOTAS NAITALA ANG MAS MABABANG KASO NG COVID-19

    SA loob ng tatlong magkakasunod na linggo, muling nakapagtala ang Navotas city ng pinakamababang kaso ng COVID-19 kada araw.     Ayon sa OCTA Research Group, mula 12.36 average daily attack rate (ADAR) sa April 25-May 1 at 7.2 sa May 3-9, bumulusok ang ADAR ng lungsod sa 5.99 nitong May 9-14.     “We […]

  • PDu30, nanawagan ng kapayapaan sa mga lider na nasa conflict-hit- areas

    NANAWAGAN ng kapayapaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa lahat ng lider sa mga lugar na apektado ng hidwaan kabilang na ang pinagtatalunang South China Sea.   Tinukoy ng Pangulo ang tumataas na geopolitical tensions sa gitna ng COVID-19 pandemic.   “I therefore call on the stakeholders in the South China Sea, the Korean Peninsula, […]