• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAGTAPON NG GRANADA, INIIMBESTIGAHAN NG MPD

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) kung sino ang nasa likod ng pagtatapon ng isang puting paper bag na may lamang granada at anim (6) na bala ng di pa batid na kalibre ng baril sa Moriones Lunes ng hapon.

 

 

Isa umanong hindi nakilalang indibidwal ang nagtapon nito sa gitna ng kalsada kaya naman inaalam na rin ng MPD-Station 2 ang mga CCTV sa lugar upang matukoy kung sino ang responsable sa insidente.

 

 

Sa ulat ng MPD-PS 2 sa pamumuno ni  P/Lt.Col Magno Galora Jr, isang concerned citizen ang lumapit sa mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit o TMRU na umiikot sa lugar at ipinagbigay alam ang nakitang puting paper bag na may lamang granada at mga bala sa island ng kahabaan ng Moriones, Tondo.

 

 

 

Agad naman itong binirepika at kinordon ang lugar kung saan positibo ang impormasyon at narekober nga ang nasabing pampasabog at bala. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 2 most wanted persons sa Valenzuela, timbog

    BINITBIT sa selda ang dalawang most wanted persons matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Valenzuela at Caloocan Cities.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr na dakong alas-12:50 ng Biyernes ng madaling araw nang maaresto ng […]

  • Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM

    Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021.   Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.   Sa […]

  • Never naisip na mag-join ng beauty pageant: RHIAN, walang poise, composure at emotional control

    UMALIS ang soon-to-be parents na sina Kris (Bernal) at Perry Choi for South Korea for their ‘babymoon’ bago nila officially i-welcome ang kanilang baby girl. IG caption ni Kris: “Babymoon. A last hurrah before baby comes. See you in a bit, Korea!”     Excited si Kris dahil May 17 ang birthday niya at doon […]