• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas ‘biggest recipient’ ng bakuna – WHO

Ang Pilipinas umano ang pinakamalaking recipient ng bakuna buhat sa COVAX Facility dahil sa inaasahang pagtanggap ng kabuuang 4.5 milyon na AstraZeneca COVID-19 vaccines.

 

 

Sinabi ito ni World Health Organization (WHO) Country Representative Rabindra Abeyasinghe bago ang inaasahang pagdating sa bansa ng inisyal na shipment ng 487,000 doses ng AstraZeneca nitong Huwebes ng gabi sa kabila ng problemang kanilang kinaharap sa pagdeliber nito.

 

 

“We are happy to note that Philippines is receiving one of the largest consignment of COVAX vaccines. In this first initial consignment, [there’s] 487,000 doses,” ayon kay Abeyasinghe.

 

 

Inaasahan na maidedeliber ang kabuuang 4.58 mil­yong doses ng AstraZeneca vaccine mula Marso hanggang Mayo bukod pa sa tatanggapin na 117,000 doses naman ng Pfizer-BioNTech vaccines bago magtapos ang Marso.

 

 

Pinaalalahanan ng opisyal ang gobyerno ng Pilipinas na dapat matiyak ang paglalagakan at kapasidad sa pag-rollout ng mga bakuna sa oras na magsidatingan na ang mga malakihang stocks ng bakuna tulad ng nagawa nito sa inisyal na delivery ng Sinovac vaccines. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Petro Gazz shoot para sa korona, Creamline naghahanap ng ‘goma’

    Sa limitadong oras upang maghanda at gumawa ng mga pagsasaayos, sinang-ayunan ng Petro Gazz at Creamline na magsisimula ito kung aling panig ang tatahakin para sa Game 2 ng Premier Volleyball League All Filipino Conference Finals na may tamang pag-iisip.   “Ihanda ang mindset, ihanda ang katawan, at ang lahat ay sumusunod,” sabi ni Petro […]

  • 6 robbery gang members napatay sa engkwentro vs PNP sa Rizal province

    Patay ang anim na miyembro ng isang notorious holdup robbery group sa engkwentro laban sa mga pulis kaninang madaling araw sa may Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.     Ayon kay Col. Joey Arandia, hepe ng Antipolo City, sangkot ang mga suspek sa robbery hold up at carnapping sa CALABRZON, Metro Manila […]

  • Naging abala sa marathon habang wala pang serye: KRISTOFFER, nag-first place for the first time sa ‘Super Aquathlon’

    MATAPOS ang launch ng “Isa sa Puso ng Pilipino” station ID ng GMA Network na talaga namang ikinatuwa ng mga manonood at netizens, sumunod namang inilabas ng Kapuso Network ang lyric video nito.     Mapapanood sa video ang taos-pusong performance ng mga Kapuso artist sa pangunguna ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne […]