• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRRD, pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan na may 140 silid-aralan sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan ngayong araw.

 

 

Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan na bagong gusaling pamparaalan sa Gregorio Del Pilar High School sa Sta. Ana, Bulakan, Bulacan; habang birtwal na pinangunahan sa pamamagitan ng livestreaming ang paghahawi ng pananda ng apat na yunit ng apat na palapag na may 20 silid-aralan na gusaling pampaaralan sa Virginia Ramirez-Cruz High School sa Siling Bata, Pandi, Bulacan.

 

 

Siniguro ni Duterte sa mga Bulakenyo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang mapabilis ang COVID-19 Vaccination Program at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral bago ang pagbabalik ng harapang klase.

 

 

“I truly appreciate the patience and understanding of the learners, the parents and teachers in your locality. We are hopeful that these newly-built classrooms will provide a more conducive learning environment even as we cope with the new normal,” anang Pangulo.

 

 

Sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando si Pangulong Duterte para sa kanyang mapanagutang liderato na naging gabay ng mga lokal na opisyal sa paglaban sa pandemya at sa mga suliranin na kaakibat nito.

 

 

“Ang mahalagang araw na ito ng pagbubukas ng minamahal nating paaralan ay may hatid na mensahe ng pag-asa para sa ating lahat. Ito ay patunay na narito ang ating pamahalaan, handang manguna at makaagapay natin,” anang gobernador.

 

 

Sinamahan si Duterte ng kanyang common-law partner na si Cielito “Honeylet” Avancena, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Kalihim ng Department of Public Works and Highways Mark Villar, Department of Education-Central Luzon Regional Director May Eclar, Public School District Supervisor Teresita Alquiza, at iba pang lokal na opisyal ng Bulacan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Wala pang data para maibaba ang Metro Manila COVID-19 alert sa level 3- Roque

    WALA pang nakikitang data ang mga awtoridad para suportahan ang panawagan na ibaba ang Metro Manila’s COVID-19 alert level sa Alert level 3 ngayong linggo.   Sa kasalukuyan, ang national capital region ay nasa ilalim ng alert 4 hanggang Huwebes na may 5-level system kasama ang granular lockdowns.   “Sa ngayon po, wala pang datos […]

  • DepEd hinihintay ang abiso ng DOH hinggil sa expansion ng in-person classes

    Hinihintay pa sa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang abiso mula sa Department of Health bago pa man nila ituloy ang pagpapalawak ng in-person classes sa bansa.     Ayon kay Education Sec. Leonoro Briones, kakatanggap lamang nila ng abiso mula sa DOH na kung puwede ay hintayin muna matapos ang assessment period sa […]

  • Higit P.6M droga nasabat sa Caloocan drug bust, 2 timbog

    NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P.6 milyong halaga ng droga sa dalawang drug suspects matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Bebe”, 23 ng Brgy. 120 at alyas “Bong”, 53 ng Brgy. […]