• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perez, Black kikilalanin ng PBA Press Corps

PAMUMUNUAN nina Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Aaron Black ang mga gagawaran sa PBA Press Corps PBAPC) virtual Awards Night 2021 sa Marso 7 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.

 

 

Sa pangalawang sunod na taon, tinanghal na Scoring Champion si Perez, 27. Si Black, 30, ang mamumuno sa All-Rookie Team.

 

 

Pinag-isa ng mga reporter na regular na kumukober ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagkilala sa top performers ng 2019 o 45th season at 2020 Philippine Cup sa Clark bubble dahil hindi naidaos ang okasyon sa nakaraang taon sanhi ng Coronavirus Disease 2019.

 

 

May average si Perez na 24.4 points sa all-Pinoy conference sa Pampanga habang nasa Terrafirma pa.

 

 

Nitong offseason o Pebrero 1 lang, lumipat na siya ng San Miguel Beer kapalit ng limang manlalaro.

 

 

Sa kanyang unang taon sa liga, Rookie of the Year ang dating kamador ng Lyceum of the Philippine University Pirates at kasama sa Mythical Team.

 

 

Hindi natakot si Black sa bubble, parang beterano kapag rumesponde sa tawag ng Meralco na tinulungan niya hanggang semifinals. Siay ang tatanggap ng Outstanding Rookie ng bubble.

 

 

Kasama ni Black sa All-Rookie squad sina Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel, Roosevelt Adams ng Dyip, Barkley Ebona ng Alaska Milk at Renzo Subido ng NorthPort.

 

 

Magkakaloob din ng Outstanding Coach of the Bubble, Mr. Executive, President’s Award, Top Bubble D-Fender, All Bubble D-Fenders, Mr. Quality Minutes, at Game of the Bubble. (REC)

Other News
  • Lambda variant, hindi variant of concern- Sec. Duque

    ITINUTURING ng pamahalaan na variant of interest at hindi variant of concern ang Lambda variant ng Covid 19 na mula naman sa mg bansang Peru at sa Latin America.   Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t hindi naman nakakaalarma ang Lambda variant ay mananatili […]

  • Senado, Kamara nag-convene na sa P5.768 trillion national budget

    SINIMULAN na ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa P5.768 trillion na 2024 national budget para pagkasunduin ang kanya-kanyang bersyon ng Senado at Kamara.     Pinayuhan ni Se­nate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, head ng Senate contingent sa bicam, ang mga mambabatas na gampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng […]

  • Sinorpresa ang lahat sa kanilang announcement: MIKAEL, nagkatotoo ang hula na magkaka-baby na sila ni MEGAN

    NAGKATOTOO ang saju reading noon kay Running Man PH cast member Mikael Daez na magkaka-baby sila ng misis na si Megan Young.     Sinorpresa ng Daez couple ang lahat sa announcement nila sa social media noong Biyernes, December 6, na ipinagbubuntis na ni Megan ang kanilang anak.     Sa episode ng Running Man […]