Pagbubukas ng sinehan, arcade kinansela ng Metro Mayors
- Published on March 8, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpasya ang mga alkalde sa National Capital Region na suspendihin pansamantala ang operasyon ng mga sinehan at amusement arcades sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Sinabi kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na may resolusyong ilalabas ukol dito na lalagdaan ng Metro mayors ngayong Lunes (Marso 8).
Napagkasunduan sa naging pulong ng Metro Manila Council nitong Sabado na pansamantalang ipasara muna ang mga sinehan dahil sa pagtaas na naman ng mga kaso ng COVID sa Metro Manila.
“Ang ginawa ng mga mayor…medyo wala munang sinehan. Ang term is ‘temporarily suspended’ ang movies, cinemas, and the arcades,” ani Abalos.
Nilinaw ni Abalos na pansamantala lang naman ito at kung gumanda-ganda na ang sitwasyon ay posibleng pabuksan muli.
-
Sobrang taas ng presyo ng baboy, tinutugunan ng pamahalaan
KASALUKUYAN nang kumikilos ang gobyerno para tugunan ang sobrang taas ng presyo ng baboy. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaangkat na ang Department of Agriculture ng baboy na mula hindi lamang sa Visayas at Mindanao kundi pati na sa iba pang mga ASF-free areas ng Luzon. Maliban dito aniya ay nag-i-import na rin […]
-
200 SENIORS NABAKUNAHAN NA SA NAVOTAS
Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program. Nasa 200 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine, nitong Lunes. Ang pinakamatandang miyembro ng pamayanan ay binigyan ng prayoridad alinsunod sa mga alituntunin sa pagbabakuna […]
-
Rep. Teves isa sa ‘utak’ sa Degamo slay – DOJ
IKINUKONSIDERA nang isa sa masterminds ang suspendidong si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at walong iba pa noong Marso 4, 2023. Sa pulong-balitaan, sinabi Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hinahanap pa nila ang dalawa sa tatlong utak sa nasabing krimen. “They can be […]