• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sobrang taas ng presyo ng baboy, tinutugunan ng pamahalaan

KASALUKUYAN nang kumikilos ang gobyerno para tugunan ang sobrang taas ng presyo ng baboy.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaangkat na ang Department of Agriculture ng baboy na mula hindi lamang sa Visayas at Mindanao kundi pati na sa iba pang mga ASF-free areas ng Luzon.

Maliban dito aniya ay nag-i-import na rin ang DA ng baboy sa bansa na walang ASF habang tinataasan din ang volume ng pork imports.

” Sa lalong mabilis na panahon nag-aangkat po ang ating Department of Agriculture ng baboy galing po sa Visayas at Mindanao at iba pang mga ASF-free areas ng Luzon.Nagbebenta po sila ng baboy sa mga Kadiwa in partnership with hog raisers, sa federations, kagaya ng Propork. Nag-i-import po sila ng baboy ngayon sa bansa na ASF-free at tinataasan po iyong volume ng pork imports the MAV o minimum access volume,” ayon kay Sec. Roque.

Mayroon din aniyang ipinatutupad na Bantay ASF sa Barangay o ang BABay ASF na ang target ay mapigilan
ang ASF katuwang ang LGUs, private sector veterinary groups at mga hog raisers.

“Sa medium term po, pinapatupad po nila iyong Bantay ASF sa Barangay o iyong BABay ASF, at ito ay nagnanais na ma-prevent at makontrol ang ASF in partnership with the LGUs, private sector veterinary groups, hog raisers and traders. Iyong massive repopulation in ASF-free areas or green zones, iyong quick speedy indemnification doon sa mga may-ari ng baboy na napatay. Ngayon, mayroon ding provision para sa P30, 000 – zero interest, no collateral, 10 year to pay livelihood loans to displaced backyard hog farmers,” anito.

Sa ngayon ay umaabot na sa P400.00 kada kilo ng baboy na mas mahal pa sa presyo ng baka.

Samantala, para naman aniya sa gulay at sa mga prutas, ang agarang hakbang aniya ay pagpapatupad ng SRP – suggested retail price.

“intensify po natin ang vegetable and fruit production; expand Kadiwa ni Ani at Kita. Tapos magpapadala pa po ang mga rehiyon nang mas maraming gulay at prutas sa Metro Manila, sa NCR. I-expand po natin ang urban agriculture, iyong Gulayan sa Paaralan at Barangay. Nagdi-distribute na rin po nang mas maraming mga seeds at planting materials ‘no. Sa medium term po, magpapatayo po ng mga processing facilities at magbibigay po ng mga support vans, warehouses, cold storage,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Habang sa isda naman aniya ay mag-i-expand o magpapalawak aniya ang pamahalaan ng aquaculture lalo na sa tilapia at sa bangus.

Bukod dito ay magri-regulate ang gobyerno ng import at magkakaroon ng joint fishing of commercial at municipal fisherfolks. (Daris Jose)

Other News
  • Bulacan, tumanggap ng P175M na ayuda mula sa DA para sa binhi at pataba

    LUNGSOD NG MALOLOS– Inihatid ni Kalihim William D. Dar ang sertipiko ng tulong pinansyal para sa binhi at pataba na nagkakahalaga ng P175,923,000 sa lalawigan ng Bulacan sa isinagawang Rapid Damage Assessment on Agriculture and Fisheries na dulot ng Bagyong Ulysses sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.   Ito […]

  • EDITORIAL P100 per day na wage hike sa Metro Manila inihain ng grupo ng mga manggagawa

    NAGHAIN ng petisyon ang mga labor groups para sa P100 arawang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).     Ang workers’ organizations ay pinangungunahan ng Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa.     Sinabi ni Kapatiran chairman Rey Almendras na inihain nila ang […]

  • PDu30, umaasa na mananatili ang alyansa ng Pinas at US sa pagkakaroon ng bagong US Ambassador to the Philippines

    UMAASA si  Pangulong Rodrigo Roa  Duterte  na mananatili ang alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos na magtalaga ng bagong US ambassador.   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos niyang pasalamatan si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim para sa naging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng […]