• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estudyante, 6 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan at Valenzuela

Timbog ang pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 17-anyos na estudyante na na-rescue sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela at Caloocan cities.

 

 

Dakong 11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at P/Major Jerry Garces sa Cattleya St. Libis Nadurata, Brgy. 18, Caloocan city na nagresulta sa pagkakaaresto kay Roy Santos alyas “Taroy”, 39, at Sevier Christian Ambida alyas “Tantan”, 39, kapwa ng PNR Compd. Samson Road, Brgy. 73.

 

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P102,000.00 ang halaga at buy-bust money na binubuo ng isang P500 bill at 9 piraso P500 boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, nasakote din ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega si Paulo Rejuzo, 26 ng Bagong Sikat, Purok 4 Mapulang Lupa matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa buy bust operation sa Unit-4 Trinidad Building West Service Road, Paso De Blas dakong 11:50 ng gabi.

 

 

Kasama ring nadakip sa operation si Alexander Calub, 38, Richmon Laguna, 27, Aeriel Vincent Corneta, 22, at ang na-rescue na Grade 8 student na itinago sa pangalang “Popoy” matapos maaktuhan na sumisinghot umano ng shabu.

 

 

Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nakuha sa mga suspek ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200.00 ang halaga, apat na cellphones, buy-bust money, P590 cash at ilang drug paraphernalia. (Richard Mesa)

Other News
  • HEART, gusto na talagang mabuntis ‘di lang sila makatiyempo ni CHIZ

    SA latest vlog ni Heart Evangelista – Escudero sinagot niya ang ilan sa ‘craziest rumors’ na pinadala ng kanyang followers sa kanyang IG account.     Isa nga sa sinagot ang tsikang may pinaretoke siya sa kanyang face particularly sa ilong at eyelid.     Kaya muling sinagot ng sikat ng fashion icon ng bansa […]

  • MRT-3, hindi ipinagbibili- DOTr

    HINDI  ipinagbibili ng pamahalaan ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).     Ito ang ginawang pag­lilinaw ng Department of Transportation (DOTr) kasunod ng mga naglabasang ulat na ‘for sale’ na umano ang MRT-3.     Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ikinukonsidera lamang nila ang posibilidad na i-turn over ang Operations & Maintenance (O&M) […]

  • Kaya ayaw niyang makatrabaho: CLAUDINE, inaming masama pa rin ang loob kay ANGELU

    NAWINDANG ang karamihan sa mga bisita sa party para sa 20th wedding anniversary nina Gladys Reyes at mister nitong si Christopher Roxas sa mga binitiwang salita ni Claudine Barretto nang tawagin ni Gladys ang aktres para magbigay ng speech sa kanilang mag-asawa.     Nabanggit ni Gladys ang tungkol sa pangarap niya na reunion movie […]