• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga aktibong kaso ng COVID-19, posibleng pumalo sa 500,000 sa kalagitnaan ng Mayo – DOH

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa patuloy na pagbaba sa pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) ay posibleng magdulot sa muling pagsipa ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

 

 

Ipinahayag ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasabay nang pagsasabing ang kapabayaan na ito ay maaaring magresulta sa muling pagtaas sa nasa 500,000 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo.

 

 

Batay kasi sa datos na nakalap ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ sub-Technical Working Group on Data Analytics, kasabay nang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa noong Marso at Abril ngayong taon ay nagkaroon din ng pagbaba sa pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum public health standard sa bansa.

 

 

Dahilan ng posibleng paghantong nito sa pagtaas muli ng mga aktibong kaso sa bansa.

 

 

Sa mga pagsusuri, lumalabas na ang 20% pagbaba sa pagsunod sa health protocols ay posibleng magresulta sa humigit-kumulang 34,788 na mga aktibong kaso ng nasabing virus pagsapit ng kalagitnaan ng Mayo.

 

Habang nasa tinatayang 300,000 naman na mga active cases ang maaaring kahantungan ng 30% na pagbaba sa pagsunod sa health protocols, at posible pa itong tumaas hanggang 500,000 sa oras na magkaroon naman ng 50% ng mga pagbaba sa pagsunod sa nasabing protocols.

 

 

Samantala, upang mapigilan ang transmission at mutation ng mga virus ay muling hinikayat ni Vergeire anglahat na manatili sa pagsusuot ng face mask, isolating kapag may sakit, dagdag proteksyon sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng boosters na up to date, at gayundin ang maayos na air ventilation.

 

 

Magugunita na una nang nagpaalala ng husto ang mga kinauukulan hinggil sa pagpapabakuna ng booster shot para sa dagdag na proteksyon laban sa nasabing virus sa kabila ng patuloy na paghupa ng mga kaso nito sa bansa.

Other News
  • MARCO, walang takot na maghubo’t-hubad at ‘di pumayag na maglagay ng plaster; tinalbugan sina MARCO G. at ALJUR

    KUMALAT na sa social media at sa ilang gay websites ang daring photos ni Marco Gallo na kuha sa isang eksena sa pelikulang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.     Sa mga naturang photos, hubo’t hubad na naliligo si Marco at kita ang puwet niyang maputi, makinis at matambok.     Pumayag ang 20-year […]

  • James Gunn’s ‘The Brave and the Bold’ Could Finally Be A Proper Batman and Robin Movie

    THE Batman franchise will be rebooted yet again in The Brave and the Bold, a film set in James Gunn’s DC Universe that could finally be a proper Batman and Robin movie.     Robin has been an indispensable part of the Batman mythos, debuting less than a year after Batman himself. While the original […]

  • Tumatanaw ng ‘utang na loob’ at forever na nakasuporta: SHARON, special guest nina TITO, VIC at JOEY sa pagsisimula ng bagong noontime show

    SI Megastar Sharon Cuneta ang special guest nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang Legit Dabarkads sa pagsisimula sa araw na ito, July 1 ng new noontime show nila sa TV5 na sinasabing ‘This Is Eat!’ ang titulo.     Sa Instagram account ni Sharon, pinost niya ang short at may caption […]