PROTOCOL MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA MAYNILA
- Published on March 9, 2021
- by @peoplesbalita
NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagpapatupad ng health protocols sa kalsada at mga Barangay .
Kasunod ito sa ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si MPD Director P/Brig.General Leo Francisco at mga station comanders kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocol upang matigil ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod.
Inatasan din ng alkalde si Manila Brgy Bureau director Romeo Bagay na ilockdown ang alin mang barangay na patuloy ang paglobo ng COVID-19.
Kinakailangan lamang aniya na makipag-coordinate kay Francisco para sa security plan.
Inatasan din ng alkalde na umikot ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na siyang magsisilbing taga sita o COVID-19 Marshals at magsasaway ng mga pasayaw sa kalsada.
Ang naturang mga utos ay gagawin aniya ng tuluy-tuloy, walang patid, lalo na sa susunod na dalawang linggo.
Dagdag pa ni Domagoso sa ibang departamento ng pamahlaang lungsod na ihanda ang pagdedeliver ng monthly food boxes para sa buwan ng Marso para sa lahat ng 700,000 families sa Lungsod. (GENE ADSUARA)
-
Sara nanguna sa presidential, Duterte sa VP – survey
Si Davao City Mayor Sara Duterte ang napipisil ng mayorya ng mga Pinoy na maging susunod sa pangulo ng bansa sa nalalapit na May 2022 elections habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman sa pagka-bise presidente. Base sa resulta ng Pulse Asia survey na inilabas kahapon, 28% ng mga Pinoy adults ang boboto kay […]
-
PAALALA SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS
NAGPAALALA ang Department of Health o DOH sa publiko sa mga nakukuhang sakit lalo na ang leptospirosis dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Karding. Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na bunsod ng bagyo, marami ang lumusong sa baha at nag-evacuate kaya inatasan nito ang lahat ng lumusong sa baha na magtungo […]
-
PAGGAMIT NG VCM, PINAG-AARALAN
PINAG-AARALAN ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng masusing pagtalakay sa paggamit ng mahigit 97,000 vote counting machines (VCMs) sa darating na halalan sa bansa. Sinabi ni acting poll body chairperson Socorro Inting sa isang forum na mahigit 107,000 VCMs na ginamit noong Mayo 2022 election, mahigit 97,000 ang ginamit sa mga […]