• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglobo ng COVID-19 ikokonsidera sa quarantine status sa Abril

Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nakasalalay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang magiging quarantine status sa Abril.

 

 

Sinabi ni Nograles na patuloy ang kanilang pagmomonitor sa mga nangyayari ngayon sa pagtaas ng bilang sa Pasay City at iba pang areas ng Metro Manila.

 

 

Ang genome sequencing ang kaila­ngan ngayon lalo na sa Metro Manila para ma-detect ang South African at UK variants at ang sinasabi pang dalawang worrisome na variants.

 

 

Kaya ayon pa kay Nograles ay patuloy nilang imo-monitor ang mga kaso ngayong buong Marso para siyang maging basehan para sa gagawing rekomendasyon ng quarantine status sa Abril.

 

 

Nitong nakaraang mga araw ay nakapagtala ang Department of Health ng mahigit na 3,000 na kaso ng COVID-19, dahil dito kaya pinulong na rin umano ng kagawaran ang mga ospital sa Metro Manila para talakayin ang pagtaas ng kaso.

 

 

Pabor naman si Nograles na co-chairman din ng Inter Agency Task Force (IATF) on emerging infectious disease, sa desisyon ng Metro Manila Mayors na ipagpaliban ang pagbubukas ng mga sinehan at arcades sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng coronavirus sa bansa.

Other News
  • EJ Obiena nakasungkit uli ng silver medal sa Germany

    Sinimulan ni Pinoy pole vault sensation EJ Obiena ang kanyang 2023 indoor season na may silver medal finish sa Internationales Springer-Meeting sa Cottbus, Germany.   Ang Olympic pole vaulter ay nakakuha ng 5.77 meters na nagtapos bilang isang runner-up habang nanguna ang American na si Sam Kendricks sa torneo na may 5.82m sa isang pagtatangka […]

  • P100K matatanggap ng magkakampeon sa chess

    BINUKSAN na kahapon ang may tatlong araw na 4th annual Chooks-to-Go National Rapid Chess Championships 2021 na nilalaro via online.     “The event aimed to develop good thinkers through the understanding of chess strategies and tactics,” ani Bounty Agro Ventures  Inc. president at teneral manager Ronald Daniel Mascariñas. “The tournament is also a fund […]

  • 4 pang siyudad target ng PBA

    Puntirya ng pba na dalhin ang liga sa iba’t ibang siyudad sa loob ng National Capital Region (NCR) gayundin sa ilang kalapit na probinsiya.     Sa Pasig City ang magsisilbing venue ng opening games ng PBA Season 46 Governors’ Cup ngunit plano ng PBA management na dayuhin ang apat pang cities.     Kinakausap […]