• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulkang Taal itinaas sa Alert Level 2 dahil sa ‘increasing unrest’

Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.

 

 

Umabot na sa 866 shallow volcanic tremor episodes at 141 low-frequency volcanic earthquakes ang ipinamamalas ng bulkan magmula pa noong ika-13 ng Pebrero, na isa sa mga dahilan ng pag-aakyat ng alert level ngayong Martes.

 

 

Maliban diyan, lubha ring umiinit at sumipa ang acidity ng Main Crater Lake. Patuloiy din ang “slight deformation” ng Taal Volcano Island sa ngayon maliban sa “microgravity changes.”

 

 

“Ang ibig sabihin, maaaring may magmatic activity na pwedeng mauwi o hindi sa pagsabog,” ayon sa babala ng Phivolcs sa Inggles, Martes.

 

 

“Sa Alert Level 2, hindi pa naman inirerekomenda ang paglikas. Gayunpaman, ipinaaalala sa publiko na Permanent Danger Zone (PDZ) ang Taal Volcano Island at ang pagpasok sa TVI, lalo na sa mga lugar ng Main Crater at Daang Kastila fissure, ay dapat panatilihing ipinagbabawal.”

 

 

Pinapayuhan din ng state volvanologists ang mga lokal na pamahalaan na patuloy tasahin ang dati nang evacuated barangays sa paligid ng Lawa ng taal para sa mga pinsala.

 

 

Pinasusuri din ang accessiblity ng mga kalsada at pinaghahanda ang mga nabanggit kung sakaling magkaroon ng mga panibagong pagkaligalig.

 

 

“Dapat ding ipaiwas ng civil aviation authorities ang mga piloto sa paglipad malapit sa bulkan lalo na’t posibleng maging magdulot ng peligro sa eroplano ang airborne ash at ballistic fragments mula sa biglaang pagputok,” dagdag pa ng Phivolcs.

 

 

Dagdag pa nila, maaaring maging delikado ang wind-remobilized ash. Patuloy naman inoobserbahan ng naturang ahensya ang aktibidad ng Bulkang Taal at agad-agad naman daw ibabalita.

 

 

Ika-16 lang ng Pebrero ngayong taon nang magkasa ng mga forced evacuations sa dalawang sitio ng Talisay, Batangas bilang pag-iingat sa mga aktibidad ng bulkan.

 

 

Matatandaang ika-14 ng Pebrero, 2020 nang ibaba rin ng gobyerno sa Alert Level 2 ang bulkan matapos nitong mag-alboroto nang husto noong Enero ng taong iyon.

 

 

Ika-12 ng Enero nang magbuga ng ash column ang Taal hanggang sa tuluyang magluwa ng lava fountain sa sumunod na araw. Dahil dito, inilikas ang libu-libo at nasira ang maraming kabahayan at establisyamento sa Batangas.

 

 

Umabot hanggang Metro Manila ang abo mula roon, dahilan para payuhan ang lahat na magsuot ng n95 masks dahil sa negatibong epekto nito sa kalusugan. (Gene Adsuara)

Other News
  • Mahigit 28-K kababaihan nag-apply para maging train driver sa Saudi Arabia

    NASA mahigit 28,000 na mga kababaihan sa Saudi Arabia ang nag-apply para maging driver ng train.     Ayon sa Spanish rail company na Renfe, matapos ang kanilang anunsiyo na nangangailangan sila ng nasa 30 babaeng train drivers ay laking gulat nila na umabot sa mahigit 28,000 ang nagsumite ng kanilang application letter.     […]

  • Manuel diretso sa Smbeer kapalit ni Santos

    Hindi pa man niya naisusuot ang uniporme ng NorthPort ay muling nai-trade si veteran power forward Vic Manuel sa San Miguel kapalit ni one-time PBA Most Valuable Player Arwind Santos.     Inaprubahan kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang nasabing trade sa pagitan ng Batang Pier at Beermen.     Naunang nahugot ng NorthPort ang […]

  • BSP nagbabala sa ibinebentang P20 coins sa internet

    NAGPAALALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na kailanman ay hindi sila nag-isyu nang tinatawag na Brilliant Uncirculated P20 peso coins.   Ginawa ng BSP ang paalala dahil na rin sa pagkalat sa internet o online seller na nag-aanunsiyo sa ibinebentang Brilliant Uncirculated P20 peso coins.   Ayon sa BSP ang P20-peso new […]