Granular lockdown sa Navotas, ipinatupad
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
Isinailalim sa granular lockdown ang sampung lugar sa Navotas city matapos tumaas ang bilang ng mga nagposito sa Covid-19 sa naturang mga lugar.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa mga ni-lockdown ang Navotas City Hall-February 23-March 9, 2021, Gov. Pascual Sipac Almacen mula February 24 – March 10, 2021, Sioson St., Bangkulasi – February 26 -March 12, 2021, Interior H. Monroy St., Navotas West – February 26 – March 12, 2021, Little Samar St., San Jose – March 1 – March 14, 2021, Daisy St., NBBS Proper – March 2 – March 15, 2021, Pat Cabrera St., San Roque – March 3 – March 16, 2021, Blk 37 NBBS Dagat Dagatan – March 4 – March 17, 2021, Estrella St., Navotas West – March 7 – March 20, 2021 at Gov. Pascual St., Sipac Almacen – March 7 – March 20, 2021.
Lahat aniya ng mga residente na sakop ng naturang mga lugar ay dapat sumailalim sa sa RT-PCR swabbing at walang papayagan umalis sa kanilang bahay habang naka-lockdown.
Papayagan naman pumasok sa kani-kanilang mga trabaho ang mga essential workers na exempted ng IATF kabilang ang nagtatrabaho sa PFDA at mga residente basta magpresenta ng valid company ID o certificate of employment at negative RT-PCR result.
Hindi papayagang lumabas ang mga vunerable sector, particular ang mga matatanda at mga batang edad 18-anyos pababa maliban kung may medical emergencies.
Bibigyan naman ng mga food facks pamahalaang lungsod ang apektadong mga residente ng granular lockdown.
Isang dahilang tinukoy ni Tiangco ng pagbilis ng pagkalat ng COVID-19 ang hindi pagusuot o hindi tamang pagsusuot ng face mask o face shield kaya’t muling ipinaalala ng alkalde ang kahalagahan ng pagsunod sa health standards.
Nitong March 8, 2021, umabot na sa 6,401 ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 508 dito ang active cases, 5,694 ang gumaling at 199 ang mga namatay. (Richard Mesa)
-
MEDICAL MARIJUANA – MALINAW SA MARAMI, MALABO SA IILAN.
MAGSASAMPUNG taon na ang adbokasiya para sa legal na paggamit ng medical marijuana dito sa Pilipinas ngunit marami pa rin ang hindi lubos na nakakaunawa sa benepisyo nito. Milyun-milyong pasyente bawat taon ang natutulungan nito sa maraming bansa, ngunit hindi pa rin malinaw para sa ilan sa Pilipinas ang isyu sa bagay na […]
-
Mahina na talaga: NPA, mayroon na lamang “one weakened front”- NTF-ELCAC
MAYROON na lamang nag-iisang guerilla front na nanghihina pa ang natitira na lamang sa New People’s Army (NPA), ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP). “The last time I checked recently, of the four remaining weakened guerilla fronts, three are about to be declared for dismantling already. It is already […]
-
10 hanggang 65 taong gulang pinapayagan nang lumabas ng bahay
MAAARI nang lumabas ng bahay, makapamasyal at makabisita sa mga kamag-anak ang mga indibidwal na may edad na 10 hanggang 65 taong gulang. Ito’y matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na i-relax ang age-based restrictions para sa mga lugar na nasa ilalim ng […]